12 | Red Key Pendant

15 17 0
                                    

Chapter 12.

Nagising ako sa ingay ng paligid. I opened my eyes and was shocked for the scenery that welcomed me.

Floods of blood are flowing everywhere. Malapot at rumaragasang dugo ang makikita sa inaapakan ko ngayon. Ang paligid ay napupuno ng usok na masakit sa mata.

Mga inuubong nilalang ang makikita na nagsisitakbuhan, they are running for their lives. May mga lumilipad, at may mga nagpapatayan.

Itim laban sa puti...

My senses alerted on the sudden realization. Is it possible that- I roamed around my gaze.

Patuloy kong inilibot ang paningin upang makompirma ang ideyang naisip ko. Itim laban sa puti.

Vampires against angels.

If I am not mistaken, this scenery floating lively on my dream was happened decades ago. A war between angels and vampires. The two unbelievable creatures sudden gripped of sin.

Ang puno't dulo ng lahat. The cause if why Cursed Vampire and Fallen Angels exists.

Nanginginig na inihakbang ko ang aking mga paa patungo sa apat na sanggol na kanina pa umiiyak. Ang kanilang mga mata ay nagsusumamo na sana ay tumigil na ang kaguluhan. Mga matang maagang naimulat sa bangis ng mundo.

Hinawakan ko ang sanggol na nababalot sa kulay asul na tela. Nagsusumamo ito ng kapayapaan. Wari'y isang sanggol na nais nang lumaki kaagad upang mahadlangan ang lahat ng mga nangyayari.

Akmang bubuhatin ko ito ng biglang may tumulak sa akin. A man in armor suit pushed me and carried the baby.

Napaupo ako sa lupa dahil sa lakas nang pagkakatulak nito. "Lumayo ka sa anak ko!" he said and within a second ay nawala na ito sa paningin ko.

Nanginginig na mga mata at kamay. Luhang unti-unti nang dumadaloy mula sa'king mata.

My- my father just pushed me. And the baby he carried... was me.

Unti-unti nang nanghihina ang katawan ko. Ang aking paghinga'y bumabagal, mistulang kinakapos ako ng hangin.

I gulped as I felt something strange from my hand. Nang i-angat ko ang aking kanang kamay ay kumikinang na bato ang aking nakita. Pulang bato. Shining in the darkness. A symbol of hope and ending.

Hope and ending...

What does it mean? Pag-asa at katapusan? Magkasalungat na kahulugan. Ano'ng meron sa bato na 'to?

I was about to picked it when a sword suddenly appeared infront of me...

"NO!-"

"Ada?!" mabilis akong sinuri ni Kael. He holds my shoulder and looked at me. "What's wrong?" he asked.

I am still on the state of shocked. That dream was dangerous. Someone was about to kill me. It didn't happen in the past- it only means that it will happen at the present.

Hindi na dapat ako nabibigla dahil batid ko naman na kahit ano'ng gawin ko ay nasa rurok parin ako ng kapahamakan. Anyone could kill me. Almost everyone is against on my existence.

Hindi ko namalayan na napayakap na pala ako kay Kael. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya dahil hindi maalis ang takot at pangamba na naramdaman ko kanina.

"I- I had a dream," I finally answered. He also hugged me back. "S-someone wants to kill me."

Tumayo ako dahilan nang pagkakakalas ng yakap namin ni Kael. Naglakad-lakad ako, wari'y naguguluhan sa mga pangyayaring nakita sa panaginip.

Wing's Denouement: Vamprous Angelico Chronicle IWhere stories live. Discover now