27 | Her Call

6 6 0
                                    

Chapter 27.


In life, we need to always put our priority first. We should put our attention on the things that needed our whole time. Things that might fix our broken lives. Things that would mend our uncertainties.

And now, the only thing that I need to prioritize is this war. A competition between my fellow students. I need to accept the fact that we are not an ordinary ones. That we are born to fight and survive.

I should set aside the mountain-like questions bugging inside my head. May tamang panahon para masagot ang lahat ng katanungan. At ang oras na ito ay ilalaan ko sa magaganap na Blue Wardzobe.


My ladies need me. Evening Deities is my priority.


"Isang buwan." Panimula ni Mr. Steeve. Nakatayo ito sa taas ng entablado sa paraang makikita namin siyang lahat.

"You need to train for a month. Every skills that you have must be seen and enhance for the whole month. Batid niyo naman na hindi niyo magagamit ang lahat ng inyong kakayanan sa darating na kompetisyon. Kung kaya't kailangan naming makita ang kapangyarihang taglay ng bawat isa sa inyo. Upang sa ganoon ay masala namin ang kakayanan na tanging magagamit niyo lamang sa kompetisyon."

They are going to train us for what? To see if what superstity will be diminished during the war? Are they kidding us? Bakit kailangan pang mag-ensayo kung hindi naman pala namin magagamit ang lahat ng kaya naming gawin?


"Hindi maaaring ipamalas ninyo ang lahat ng kaya ninyong gawin sa unang wardzobe dahil maaapektuhan nito ang susunod niyong laban, kung sakaling buhay kayong makalalabas sa laban. At ang pinakaimportanteng dahilan kung bakit hindi niyo magagamit ang lahat ng kaya niyong gawin ay dahil hindi sa kapangyarihan maaaring umikot ang lahat."




"You need to use your brain to think, you need to feel your heart to act, you need to bring out your best without the help of your superstity... That's what a true warrior means."



Hindi ko mawari ngunit natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakatulala na sa harap at paulit-ulit na sinasaulo ang sinabi ni Mr. Steeve.

"You need to use your brain to think, you need to feel your heart to act, you need to bring out your best without the help of your superstity... That's what a true warrior means."

Tama siya. Hindi nakasalalay ang pagkapanalo sa kung anong kapangyarihan ang meron kami. Kailangan naming ilabas ang kaya pa naming gawin bukod sa pagpapamalas ng kapangyarihan.


"Sa nakalipas na buwan ay muling nadagdagan ang bilang ninyo. Mula sa pinakahuling grupo na pinamumunuan ni Magdalene Mijares, ay may sampung grupo pa ang nabuo. Ibig sabihin ay tatlumpu't anim na grupo ang sasalang sa darating na Blue Wardzobe."

Papaanong nangyaring ako ang pinuno ng grupo namin? Agad kong sinulyapan si Sapphire na nakatingin narin sa akin. Nagtataka ko siyang pinakatitigan. Ang alam ko ay siya ang dating pinuno ng Evening Deities.

Ngumiti lamang ito sa akin at narinig ko na lamang ang boses nito sa isip ko.

"You're the last piece of us, Ada. Nakasulat sa aklat ng propesiya na ang huling miyembro ang siyang tatanghaling pinuno ng bawat grupo."


Napatango-tango na lamang ako sa sinabi niya. So, it means that I am going to handle a bigger responsibility.


"Are you nervous, Ada?" Bahagya pa akong nagulat sa biglaang pagsasalita nanaman ni Trevor.

Wing's Denouement: Vamprous Angelico Chronicle IWhere stories live. Discover now