15 | Alliance For Life and Death

12 17 0
                                    

Chapter 15.

Nakarating kami ni Trevor sa Mansiyon ng ligtas. Sumisilip na ang buwan at mas lumalamig na ang hangin, hudyat na magtatapos nanaman ang isang araw.

Nakaya kong makababa ng kabayo at naunang maglakad patungo sa malaking tarangkahan na puti. Two Dandels (guard) were standing firm beside the huge gate. Nang makita ako ay agad silang ngumiti at binuksan ang gate.

Napatingin ako sa likod nang makitang natuon doon ang atensyon ng dalawang guwardiya. Mula sa ngiti ay nagbago ang mga tingin nila. It became aggressive.

That's normal. They are an angels while this man behind me is a vampire.

"This is Trevor. My friend." I simply said and stepped forward. Hinintay ko muna na makapasok siya bago ma-isara ng tagapagbantay ang gate.

Bumaba si Trev sa kabayo niya. Tumingin ako sa isang guwardiya at agad naman nitong naintindihan ang nais kong mangyari. He immediately guided the horse. Siya na ang bahala sa kabayo.

"Thanks," Trev thanked me.

"For what?" I asked too. Ngumiti ito sa mapang-asar na paraan. I rolled my eyes.

Nag-umpisa na kaming maglakad patungo sa malaking Mansiyon.

"For taking good care of my horse," he answered. Napangiwi ako sa dahilan niya. That's it? I laughed at my thought.

"Of course I need to, inihatid mo ako dito and you drove fast yet gentle so... yea." I bit my bottom lip as I realized what I've said.

Inilapit ni Trev ang mukha niya sa mukha ko at bumulong. "I'll be more gentle next time, baby."

Nahampas ko siya sa braso at inunahan na siya sa paglalakad. Malisyoso rin pala ang isang ito e'!

Natatawa niya akong hinabol.

"Hey baby, I was just kidding!" then here goes his laugh again.

Why is it so hot? Sa pagkakaalam ko ay gabi na.

Nang makarating kami sa bungad ng Mansiyon ay natanaw ko agad si Mr. Miguel.

Nakatalikod ito sa amin at halatang nagbabantay siya sa harapang bahagi ng tahanan.

"Ginoong Miguel!" sigaw ko at nakangiting lumapit sa kaniya.

Gulat ang mga mata nito na hindi naman maitatanggi dahil biglaan ang pag-uwi ng kaniyang alaga.

Napukaw ang ngiti sa mga labi ko nang mapansing may pag-aalala sa mga tingin niya.

"Ayos lang ho ba kayo?" I asked. "Umuwi po ako dahil ma-" he interrupted me.

Hinawakan nito nang mahigpit ang kamay ko. "Hindi ka dapat umuwi, Magdalene." May pagbabantang saad nito.

Naguluhan ako sa sinabi niya. This is my home. Whenever I want to go home, I can do it. Bakit parang pinipigilan niya ako?

"May nangyari ho ba?" I asked worriedly.

Nadako ang tingin nito kay Trevor kaya't hinila niya ako papunta sa likuran niya.

Bakit ba sobrang nag-aalala sila kapag may mga bampirang nakikita!?

"What are you doing here!?" Mr. Miguel asked Trev in a very cold manner.

Napakadilim ng boses nito na parang anumang oras ay masisipa niya si Trevor palabas ng Mansiyon.

"Hey..." Inalis ko ang pagkakahawak ng kamay nito sa akin at agad na tumabi kay Trevor.

Nakita ko naman ang nagtataka, naguguluhan at hindi makapaniwalang titig ni Ginoong Miguel.

"Trevor is my friend, Mr. Miguel. Siya ang naghatid sa'kin dito." Madiin kong saad.

Wing's Denouement: Vamprous Angelico Chronicle IWhere stories live. Discover now