"Amalia" tawag ni Francesca at wala na akong nagawa kundi lumingon sa gawi nila at pekeng ngumiti.
"oh Francesca, Javier nariyan pala kayo" biglang sambit ni Donya Celestine at napatingin na lamang ako rito dahil mukhang balak pa atang isama sa amin ang dalawang nilalang na ito.
"Magandang Umaga po, Donya Celestine" lumapit si Francesca kay Donya Celestine at bumeso ganoon rin naman ang ginawa ni Javier at pinasadahan ako ng tingin bago kumawala sa bahagyang pagkakayakap kay Donya Celestine.
"Anong sadya n'yo rito?" tanong ni Donya Celestine habang ako ay pinipilit makaalis upang maghanap ng iba pang libro kaso mukhang malabo iyon.
"Naglilibot lamang po, sinamahan na ako ni Javier dahil hindi na po ako pamilyar sa mga lugar dito. Naghahanap narin po ng mga magagamit sa pagpasok sa Unibersidad" saad naman ni Francesca na abot langit ang ngiti
"ganoon ba, ganoorin rin si Amalia" saad ni Donya Celestine at akala ko doon na matatapos ang pag uusap na iyon ngunit nagkakamali ako.
"Anong Unibersidad nga pala Francesca ang iyon pinasukan?" saad naman nito uli at napailing na kamang ako dahil mukang mahaba habang kwentuhan iyon.
"Unibersidad ng Santo Tomas po, doon ko na po naisipan pumasok dahil nabalitaan ko na roon mag aaral si Joaquin at ito ring si Javier" saad naman
"Maganda iyan, magkakasama kayong apat nitong sina Amalia at makakampante ako at may makakasama siya" saad naman uli ni Donya Celestine habang ako ay tahimik sa isang tabi kasama si Belinda.
Napagpasyahan kong magpaalam nalang muna kay Donya Celestine dahil wala naman akong maiaambag sa konbersasyon na iyon. Naglibot sa librarya na ito upang kahit papaano ay di ako mabagot sa mga usapan nila roon.
Iniwan ko kay Belinda iyong mga librong nakuha ko kanina para hindi kabigatan ang dala kong mga libro.
Naglibot ako sa medyo malayong parte para hindi ko marinig ang usapan nila, wala ako sa wisyo makinig ng mga ganoong konbersasyon.
Nakaabot ako sa mga seksyon ng mga libro na tila hango sa mga elemento ng daigdig. Nilibot ko iyong seksyon kung saan maninipis ang mga libro.
Inisa isa ko iyon halos lahat ay may mga nakaimprentang pangalan sa bawat gilid ng libro ngunit iyong isa na nasa dulo ay blanko at tila walang pagkakakilanlan.
Kulay asul ito na malamlam, manipis at tila matagal na talaga dahil medyo makuoas kupas na. Nakakapagtaka na wala rin itong pangalan sa harapan hindi tulad ng karaniwan.
Nang buksan ko ito ay amoy luma na at may nalaglag na tila pinirasong papel na luma na rin dahil halos kukay kayumanggi na ito.
Pinulot ko iyon at binasa ang nakasulat.
"It looks like a sack that encloses with a drawstring"
Iyan ang nakasukat roon, at tila may dinaramdam ang huling nagmamay ari ng librong ito dahil sa mga salitang nakasulat roon.
Napansin ko sa librong ito na hindi ito gawa sa simpleng makinilya na pang sulat kundi literal na sulat kamay ang mga salitang narito. Ingles ang sulat ngunit bakit nasa hanay ito ng mga tagalog na libro.
Di ko na tinapos ang pagsusuri roon sa libro at kinuha na iyon. Lumipat ako sa kabilang seksyon ng mga libro at tiningnan iyon isa isa ng may napansin akong libro.
Hinugot ko iyon at nagulantang dahil nakita ko ang kalahati ng muka ni Javier na diretsong nakatingin sa akin at tila hindi maipaliwanag ang emosyon ng mga mata.
BINABASA MO ANG
Fell on year 1960 | ✔️
Historical FictionShe fell asleep. She fall inloveee. She's been used to that kind of life. But how long? © kiamchixx