Capítulo Veinte

106 5 0
                                    

Nakakapagod ang araw na ito, at napakaraming nangyari  at sadyang mga nakakawindang ang mga gawi nila na hindi ko naman inaasahan.




"haa!!" medyo pasigaw kong sabi




"oh ate baket?" natatarantang lumapit itong si Belinda




"wala lang akala ko magtatagal pa iyon, para akonga naiipit sa kung ano kapag kasama ko ang dalawang iyon" sabi ko naman



"nako poo, eh dapat masanay na kayo sa ganyang mga bagay dahil aaraw arawin kayo ng dalawang iyan" sabi naman niya




"onga e" tipid kong sagot




Natapos ang araw na ito at sadyang nakakawindang ng utak.





Halos araw araw naging ganoon ang tayo namin. May araw na si Joaquin lamang ang narito, may araw naman si Javier lamang at may oras na sabay sila at nag iiringan pa.







_____________________





"Belinda" tawag ko rito




"po?" saad naman nito




"baket raw ako pinapatawag nina ina sa baba?" tanong ko naman


"ang alam ko ho ata ay mayroon kayong pag uusapan, hindi ko lamang ho alam kung tungkol saan" sabi naman nito


"baka tungkol iyon sa pagpasok ko sa Maynila" saad ko naman



"belinda sa baba na muna ako, ikaw na bahala sa kwarto ha" saad ko't dali dali nang bumaba.



Pababa pa lamang ako ay may natatanaw akong imahe ng lalaki, matangkad ito. At noong humarap ako at si Joaquin iyon kaya't nagtaka ako kung bakit kung ano ang ginagawa n'ya rito.



Agad akong lumapit kay Donya Celestine at humalik sa pisngi nito na hindi parin naalis ang tingin kay Joaquin.



"Maganda Umaga Joaquin" bati ko rito at naupo na dahil kanina pa nangangawit ang aking paa.


"nasaan ho si Ama?" tanong ko kay Donya Celestine



"may inaasikaso sa Maynila, bakit?" tanong naman nito sakin


"wala naman po, nakakapagtaka ho kasi madalas ay magkasama kayo" saad ko naman


"hindi naman sa lahat ng oras anak, s'ya nga pala. Narito si Joaquin dahil s'ya ang makakapareha mo ngayong taon sa Flores De mayo"



"diba ho ay sa katapusan iyon?" saad ko naman na sadyang nagtataka



"27 na ngayon Amalia, sa makalawa ay katapusan na kaya't ganoon rin iyon" singit naman ni Joaquin



"tama si Joaquin anak, mas magandang magprepara na kayo hanggat maaga pa para naaayon ang damit n'yo sa isa't isa" aniya ni Donya Celestine habang hinhagod ang aking buhok na nakalaylay sa likod.


"kung sa gayon ho Donya Celestine, pwede ko ho ba isama si Amalia sa amin? Dahil ho bukas ay darating na iyong pagpipiliian namin ni Amalia" sabi naman nito na nanlaki ang mata ko



Ako? Pupunta sa bahay nina Joaquin?



"oo naman Joaquin basta iuuwi mo ito rin kaagad" sabi naman ni Donya Celestine na mas ikinagulat ko



"kung ganoon ho ay mauuna na ako sa inyo, at aasukasuhin ko pa ho ang pagpunta ni Amalia sa bahay" saad naman nito.



"kung ganoon nga, Amalia anak ihatid mo muna si Joaquin sa labas" sabi naman nito


"sige po, ta- tara na?" utal kong sabi at hinawakan naman nito ang aking siko upang tulungan tumayo


"tara" tipid nitong sabi saka inayos ang kan'yang damit at tumayo narin upang sundan ako sa aking gawi


Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon