Capítulo Veintitrés

66 6 0
                                    


Natigilan na naman ako, maraming beses na akong nagkaganito pero ngayon ay iba. Tila damang dama ko ang sakit at lungkot na nadarama at dinadala nito sa loob ng napakaraming taon.

"oh Amalia, nariyan kana pala"   saad noong babae na nasa likod ko samantalang ako ay naalimpungatan sa tawag na iyon.

"uhm, ina kayo po pala" gulantang kong harap rito ng makitang si Donya Celestine pala iyong tumawag sa akin.

"pumasok kana rito, at malapit na magdilim" akay nito sa akin papunta sa loob ng bahay.

"kamusta naman ang pagpunta mo kina Joaquin?" tanong nito habang nakaupo kami sa sopa habang si Inay Celia at Belinda ay nakatingin sa akin na para bang napakalaki ng aking kasalanan.

"A.. Aa.. Ayos naman... po" uutal utal ko pang sagot dahil sa tensyon na tingin nina Inay Celia at Belinda.

"ayos kalang ha anak?" nag aalalang tanong ni Donya Celestine.

"opo, medyo pagod lamang po ako" sabi ko naman rito.

"kung gayon umakyat kana at magpahinga, papadalhan na lamang kita kay Belinda ng pagkain mo" saad naman ni Donya Celestine.

"paumanhin po ina ha, gusto ko man kayo makausap, sadyang di na lamang kaya ng aking katawan" saad ko naman na may halong lungkot at panghihinayang.

"Amalia, mas mahalaga ang kaulusugan mo kesa sa ating kwentuhan at saka sa makalawa na ang inyong Flores de Mayo. Hindi ko naman hahayaan na magkasakit ka dahil lamang sa kagustuhan kong makausap ka" pagpapaliwang nito.

"salamat po talaga Ina, hindi ko alam ang aking gagawin kung wala kayo" at bigla ko itong niyakap ng mahigpit na tila naiibsan ang aking pagod.

"sige na anak, magpahinga kana roon sa iyong kwarto" saad naman nito.

"opo Ina, una na po ako" ngiti kong sagot rito saka nagtungo sa kwarto at kitang kita ang mata ni Belinda na handa ng magtanong ng kung ano ano lalo na at hindi ko s'ya kasama roon.





nakarating ako sa aking kwarto at umupo sa aking upuan katabi ng kama. Para bang bigla na namang bumigat ang aking pakiramdam pero hindi na ito dahil roon sa nakita ko, kundi tungkol na sa nararamdaman ni Joaquin.

"gaano na kaya kalungkot ang loob ni Joaquin" tanong ko saking sarili at napabuntong hininga na lamang.

Napagpasyahan ko na magligo na lamang uli at magpalit ng mga damit.

Bahagya akong nagtagal roon dahil natulala pa ako. Dumiretso agad ako sa kama at ibinagsak ang aking sarili roon. Para bang kelangan ng isang buong araw na tulog para mawala ang pagod na nararamdaman ng aking katawan.

Napagpasyahan ko na magbasa na muna noong libro na nakuha ko roon sa aking silid sa ikatlong palapag habang wala pa iyong pagkain at si Belinda.

Nasa parte na ako ng Cambodian Architecture kaya't ipapagpatuloy ko na iyon.





Cambodian (Khmer)

The Angkor Wat temple, the highest achievement of Khmer architecture.

The main evidence of Khmer architecture and ultimately for Khmer civilization, however, remains the religious buildings, considerable in number and extremely varied in size. They were destined for immortal gods and as they were built of durable materials of brick, laterite and sandstone, many have survived to the present day. They were usually surrounded by enclosures to protect them from evil powers but confusion has often arisen as to which is a temple enclosure and which is that of the town of which the temple was a part.



Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon