"Magandang Umaga po" bati ni Javier na naroon sa harapan ng aming pintuan, makisig na nakatindig at diretsong nakatingin sa akin. May dala rin itong isang palumpon na bulaklak na nakabalot sa puting dekorasyon.
"Magandang Umaga rin iho, naparito ka? Maupo ka rito" bati ni Donya Celestine at inaya si Javier, pinatabi pa ito sa akin at hinainan
"Kamusta naman ang pagmemedisina Javier?" tanong naman ni Don Amadeo itong si Javier at napabuntong hininga na lamang ako
"Maayos naman po, nagiging abala po dahil medyo marami na pong inaasikaso sa Maynila at preparasyon nga rin po para sa Flores De Mayo" pormal na sagot naman nito kay Don Amadeo at samantalang ako ay inaasikaso ang aking pagkain at nanahimik na lamang sa aking pwesto
"ikaw Amalia? Kamusta ka naman? Handa kana ba para sa kolehiyo?" saad naman nito at natigilan ako dahil di ko inaasahan na ako ang tatanungin ni Don Amadeo
"A-a.. Ayos naman po, sa tingin ko naman po ay.. handa na po ako hehe" saad ko at agad naman bumalik ang tingin sa pagkain at ng lumingon ako kay Javier ay saktong lingon din nito sa akin kaya't pareho kaming natigilan
"Mabuti iyan, magkakasama kayong tatlo kasama si Joaquin. May tiwala akong iingatan ninyo ang unicahija ko" saad naman uli ni Don Amadeo
"Makakaasa po kayo, hindi naman po namin pababayaan itong si Amalia. Saka tanong ko lang po" saad naman nitong si Javier saka bumalik sa pagkain
"ano iyon iho?" saad naman uli ni Don Amadeo
"saan ho maninirahan si Amalia? Doon rin ho ba sa tinutuluyan namin? O doon po sa dormitoryo ng mga kababaihan?" saad naman nito uli na nagpataas ng aking kilay, at napailing na lamang
"sa bahay namin sa Maynila Javier, kasama n'ya si Belinda upang kasama niya roon kahit maraming kasambahay roon. Saka madalas namin s'yang bibisitahin roon, bakit mo pala naitanong" sambit ni Donya Celestine at nginitian ako kaya't napangiti na lamang din ako at natuwa dahil napaka maalaaga nila sa akin kahit nasa tamang edad na ako
"wala naman ho, dahil si Francesca ay doon lamang sa kabilang gusali ng aming dormitoryo, kaya't napaisip ako kung ganoon rin ho si Amalia". Sabi naman nito at talagang naisingit pa di Francesca sa usapan
"nga pala iho, kailan raw ang balik ng mga magukang ni Francesca. Nabalitaan ko na sa inyo s'ya ihinabilin ng magulang n'ya. Lalo na sa iyo" saad naman uli ni Donya Celestine at napangiwi na lamang ako dahil pati ba naman rito ay si Francesca ang pinag uusapan
"sa makalwa raw po, bago kami magtungo ng Maynila dahil roon na rin ho mag aaral si Francesca" saad naman nitong si Javier at naalala ko na halos araw - araw kong makikita si Francesca dahil sa Unibersidad ng Santo Tomas rin ito mag aaral.
Nawalan na ako ng gana kaya naman nagpaalam na ako na mauuna muna sa aking kwarto dahil maya-maya ay mukhang bibisita na si Joaquin para sunduin ako at makapag ayos para sa Flores de Mayo mamayang alas tres ng hapon.
"Ina, Ama. Mauuna na po ako, busog na po ako" saad ko naman at mapait na ngumiti
"ganoon ba anak, halos kalahati lamang ang iyong nakain" mahinahong saad naman ni Donya Celestine
"kakain pa naman ho ako mamaya, saka ho saktong-sakto lamang iyong susuotin ko po mamaya" ngiti kong saad saka naman sila umoo.
Sumang ayon agad ang mga ito at ako naman nginitian muna si Javier bago nagtungo sa aking kwarto dahik baka sabihin na iniiwasan ko siya.
Nakarating ako ng kwarto at umupo sa gilid ng aking kama. At napatingin na lamang sa bintana at napahinga nalang ng malalim at iniisip ang mga mangyayari pa sa susunod na mga araw.
BINABASA MO ANG
Fell on year 1960 | ✔️
Historical FictionShe fell asleep. She fall inloveee. She's been used to that kind of life. But how long? © kiamchixx