Capítulo Doce

351 15 0
                                    

Ang boses na iyonn.....

"siya....ba iyong na.. nasa Casa Landrillo?" napatakip ako saking bibig ng mapagtanto kong iyon ng ang lalaking ay ang kaparehong lalaki na nakita ko sa Casa Landrillo.

Dahil sa kagustuhang malaman ang dahilan bakit nagpapakita ang lalaking ito.

Di ko napansin na nakalabas na pala ako mg hotel.

"ang bilis ko naman, kani-kanina lang nasa labas lang ako ng pinto ah" pagtataka kong sabi

"ay nako bahala na" sabi ko uli at ipinagwalang bahala yun ng makita ko yung lalaki ay medyo nakalayo na.

"bilis naman jusq" bulong ko saking sarili at mas binilisan ang aking lakad para maabutan ko si guy.

"bakit ko ba kasi sinusundan to" sabay tingin sa lalaki na hindi man lamang nalingon

"hay nako bahala na talaga" hinayaan ko na at pinagpatuloy ang pagsunod ritoo.

Nakakahingal na ha, hanggang saan ba ang aabutin namin?

Nadaanan na namin ang Casa Luna na ang dating may ari ay ang pamilya Novicio. This was built in 1850 and dating nasa La Union.

Nakadaan na rin ako sa La Casita na na restaurant na ngayon.

Nakadaan na rin ng Tulay ni Lola Basyang, sa Tramvia na lumang tren na dating Public transportation noong taon ng mga amerikano, Casa Alcuaz, La Puesto del sol at Casa Gapan.

Napapagod na ko ha, jusko bakit ko ba kasi to sinundan?

May kung anong tumutulak sakin para sundan ang lalaking ito, pero bakit?

Hinahayaan kong tumakbo ang tanong na iyon sa utak ko.

Pumikit ako ng kaunti at huminga, nang imulat ko ang aking mata ay wala na ang lalaking iyon.

"grrr ano baaa? Nasan kana?" inis kong sabi habang nagmamaktol.

Nandito ako ngayon sa  harap ng Casa Alcuaz nandito ako sa part na maluwang na field na puro damo, and may tatlong parang poste na may mga nakaukit.

Ako yung tipo ng babae na di takot sa dilim or sa gabi, ewan ko ba ang iniisip ko di naman ako papatayin ng dilim.

Napatitig ako sa langit, this world never fail to amaze me each day.

"mygaddd, babalik na nga ako sa hotel" pagkumbinsi ko saking sarili

Nang makatayo ako ay naglakad na ako pabalik sa hotel at naalala kong wala nga pala akong dalang phone dahil sa kamamadali sundan yung lalaking 'yon.

Ang tansya ko sa oras ay siguro 2 am na at naggagala parin ako sa lugar na ito ng walang katakot takot.

Nakalampas na ako ng Tulay ni Lola Basyang at tanaw ko rito ang rebulto n'ya na nakaupo sa upuan habang nagkwekwento sa mga bata.

Nakalampas na rin ako sa Lumang tren na Tramvia, at nakadaan na rin ng Casa Gapan.

Habang nagmumuni muni ako ng makita ko na naman ang lalaking ito. Sa pagkakataong ito para bang nakatingin na ito sa gawi ko na sadyang ikinakaba ko.

Nagtatakbo ako papunta sa La Puesto del Sol ito ay isang mahabang hallway na hotel. Sarado na ito syempre dis oras nga naman ng gabi.

Nang makita kong wala na yung lalaki ay lumuwag ang aking pakiramdam at nagpasyang mas bilisan ang pagbalik sa Hotel.

Nang tahakin ko ang papunta Estero ay nakita ko na naman ito

"mukhang di magandang sinundan ko ang lalaking ito ah" pagsasabi ko sa sarili habang nag iisip ng pwedeng puntahan.

Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon