Capítulo Veintinueve

67 5 0
                                    

"Amaliaa" masayang tawag nito sa akin at agad agad na tumakbo sa gawi ko na para bang hindi nabibigatan sa suot n'ya at sigurado ako na mataas rin ang sandalya nito dahil halos kalebel ko na siya.

Pagkarating sa gawi ko ay agad agad akong niyakap nito at pinuri.

"ang gandaa mo Amalia" puri naman nito sa akin at napangiti naman ako kahit papaano

"ikaw rin, naasan ang palumpon mo ng bulaklak?" tanong ko naman rito dahil dapat pagpunta pa lamang niya rito ay dala-dala na niya iyon.


"uh, oo nga nakalimutan ko roon sa lamesa nina Javier" pagkasabi n'ya noon ay bigla itong nataranta dahil narinig na namin iyong tugtog para sa prusesyon

Nang paglingon ko sa likuran ay naroon si Javier na dala-dala na iyong palumpon ng bulaklak at nagtataka ako kung paano niya nakuha iyon sa maikling sandali.

"ito na Francesca, tara?" saad nito at maingat na inalalayan papunta sa arko nila na dala dala ng 2 tao

"tara?" saad naman ni Joaquin at inalok ang kngang kamay at nagsimula na ang prusisyon.

Ang prusisying ito ay lilibutin halos buong Las Casas at wala pa sa kalahati ay nakakaramdam na ako ng pagod ngunit lagi namang nakaantabay si Joaquin at maya't-maya ang tanong sa akin kung ayos lamang ako.

Nagpapatuloy ang prusisyon at patuloy ang palalakad namin.

"ayos kalang?" tanong ni Joaquin. Pang sampu na atang beses ito na tinanong niya kung ayos lamang ako.

"oo naman, di kaba napapagod? Pang sampung beses mo na iyan tinanong sa akin" ngiti ko ritoo

"Amalia kelan ba ako napagod?" tawa naman nito sa akin na kahit papaano nagpapawi ng pagod ko.

Malapit na kaming matapos at magtutungo na sa simbahan para sa huling misa sa buwan ng mayo at para sa selebrasyon ng Santacruzan.

Nang matapos ang prusisyon ay para bang bibigay na ang binti ko sa sobrang pagod, buti na lamang narito na kami sa simbahan at narito si Joaquin sa tabi ko para umalalay at umantabay sa akin. May araw pa ngunit hindi na ito kasing init ng kanina ng makatapos kami kaya't kahit papaano ay maayos na sa pakiramdam at maginhawa na sa pakiramdam.

Nang makapasok kami ay dali-dali kaming nagtungo sa unahan at umupo na roon.

"kaya mo pa?" saad ni Joaquin at napatango na lamang ako rito.


Maingat akong inalalayan ni Joaquin paupo roon, ganoon rin si Javier kay Francesca. Abot langit ang ngiti nito at ganoon rin naman si Javier. Ngayon ko na lamang uli nakita ang ganoong ngiti n'ya, ang huling kita ko noon ay noong nasa silid aklatan kami. Parang kanina lang halos isumpa na n'ya ako sa tingin, ngayon naman ay ngumingiti siya ng parang bang  walang nangyari.



Nagpatuloy ang misa, at kalaunan ay natapos na rin kaya't makakauwi na kami at makakapagpahinga na. Palabas na kami ng simbahan ay mukhang nagkakatuwaan ang dalawa ni Francesca at Javier, nagtatawanan ang mga ito na para bang walang problema at malayang nagiging masaya.



May kung anong bagay na parang tumusok sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Napatitig na lamang ako sa araw na halos palubog na, di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Joaquin.

"ayos kalang?" tanong nito sa akin at napangisi na lamang ako


"Huli na ito na tanong ko. Ayos kalang ba talaga?" pagdepensa at pagtatanong naman nito uli sa akin.


"hmm, bakit naman hindi?" sarkastikong sagot ko sa kan'ya at napangisi na lamang ako


"oo na nga, basta kung may problema o bumabagabag sa loob mo. Nandito lang ako" ani nito at sabay tapik sa aking uloo



Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon