Capítulo Treinta Y Nueve

85 5 2
                                    


Mabilis na lumipas ang mga araw, malapit nang matapos ang unang taon namin rito. Halos hindi ko na namalayan dahil sa dami nang nangyari.

Ang lalong paglapit namin ni Javier sa isa't-isa ay s'yang naging mitsa na lalong lumayo ang loob ko kay Joaquin. Hindi naman dahil kay Javier kaya lumayo ang loob ko kay Joaquin kundi dahil para ba akong pinagtaksilan, tinaguan at pinagsinungalingan na ayaw na ayaw ko na gawin sa akin.

"Hindi mo parin kinakausap si Joaquin?" ani Isabel.

"Wala akong balak Isabel, baka masampal ko lang ang pagmumukha n'ya.." saad ko rito.

"Sabagay, kung ako rin naman ang nasa sitwasyon mo baka sinapak ko na 'yon" gigil na naman ito.

"Hayaan mo na, ang inaalala ko ay hindi pa nauwi man lang sina Ina. Baka isang araw e hilahin nalang ako dahil ikakasal na ako kay Joaquin. Tatakbuhan ko talaga sila." mariin kong saad kay Isabel.

"Sige ba, run away bride tayo ha. Tulungan kita d'yan.." pagbibiro nito sa akin na nagpangiti sa akin.

"Sabi mo 'yan ha... " saad ko rito.

Tulad ng inaasahan, nadagdagan ang kasali sa dean's list. Si Francis Arellano at Ferdinand David yung napasama pero mas mataas parin naman kami ni Isabel rito.

"Congrats pala Francis, Ferdinand..." saad ko sa mga ito.

"Salamat, sa inyo rin. Daig n'yo nga kami oh..." natatawang saad nito

"Hindi naman oy, para namang ilang puntos lang itinaas namin..." dagdag nitong si Isabel.

"Mas nakakabilib si Javier, kilala n'yo ba iyon? Nanalo na naman yung nang kompetisyon na pang buong bansa e..." saad nitong si Francis na tila manghang mangha kay Javier.

"Oo kilala namin iyon, lagi namang sundo non si Amalia rito e..." ani Isabel, saka tiningnan ako na para bang may ipinahihiwatig.

"Speaking of Javier. Amalia si Javier ata iyon.." saad nitong si Ferdinand. Saka ako lumingon para kumpirmahin kung si Javier nga iyon at tama naman ako.

"Si Javier nga, salamat. Congratulations uli..." kinawayan ko iyon saka nagtungo kay Javier na nakakunot na ang noo.

"Oh bakit ka naparito?" nakangiti kong saad.

Iniabot nito ang supot na may lamang pagkain, mga nakaplastik iyon na mga meryenda.

"Sino iyong kausap n'yo kanina?" saad nito mula sa kawalan, habang ako ay tinitingnan kung ano-ano yung dala niya.

"Si Francis at Ferdinand... running for dean's lister din. Bakit?" saad ko saka ibinalik na mga laman noong supot saka tumingin sa kanya.

"Ano pinag uusapan n'yo..." walang emosyong saad nito, halatang may kakaiba sa nararamdaman. Selos?

"Teka, teka... 'wag mo sabihing- " natatawa kong saad sa kan'ya.

"Hindi Amalia, susunduin kita mamaya." saad nito saka mabilis na hinalikan ang noo ko saka mabilis lumakad.

"Hoy ano iyon?!" sigaw nitong si Isabel. Umalingawngaw iyon sa buong silid.

"Hindi ko alam.." natatawang saad ko rito. Saka ko napansin si Francesca na dumaan, sinamaan muna ako ng tingin saka umalis.

Iba ang naging tinginan ng klase sa akin dahil roon, pati tingin ni Isabel ay tila nagtatanong kung ano ang meron sa amin, kahit alam naman niya kung ano talaga ang relasyon namin sa isa't isa.

Ganoon lamang ang naging takbo namin halos araw-araw. Hindi rin ako kinikibo ni Francesca, oati si Joaquin ay hindi na rin ako kinikibo kahit makita man niya ako.

Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon