Capítulo Catorce

285 12 0
                                    

Tumango ako rito at inalalayan uling tumayo at muli may kuryente na namaing dumaloy sa aking katawan, hindi na nakakatuwa ito.


Naglakad kami palabas ng Hotel de Oriente at makikita parin talaga ang ganda ng lugar na ito. Hindi nagbago ang lugar naging mas malinis at naging mas luma tingnan kaysa sa huling kita ko rito na kasama ko nga sina Bella na palaisipan parin kung totoo ba o hindi.


Ang una naming nadaan ay ang Casa Luna na mas maganda ang kulay kesa sa unang kita ko rito, sunod naman ay ang Casa Unisan at Casa Baliuag na sadyang mas maganda kaysa noong una ko itong nakita.

Tahimik lang kami naglalakad at nginingitian ko ang mga nadadaang tao na ang lapad ng iningingiti sa akin.

"narito na tayo" bigkas nitong si Javier

"ito ang La Casita diba? Kala ko ba kainan ito?" tanong ko sa kan'y

"hindi Amalia, ang tagal na nitong Silid Aklatan. Sadya ngang nabagok ka" pagbibiro nito sa akin

"sadya nga HAHAHAH" pagtawa ko naman rito

Nakapasok na kami sa loob at namangha ako sa laki kito na hindi halata sa labas. May isang malaking chandelier sa gitna habang nakapalibot ang mga naglalakihang mga pinta at mga sadyang napakaayos na linya ng mga libro.

Ang mga Pintang naglalakihan ay makikita kahit saan, dalawang palapag na silid akltan itong La Casita na ang unang pag kakaalam ko ay kainann ito.

"Hindi ba ito iyong pinta na iyon ay ang Madonna of the Slums" sabi ko kay Javier habang itinuturo yung pinta na nasa gawing kanan

"oo, ni Ginoong Vicente Manansala" sabi naman nito

"ayun naman ang gawa ni Ginoong Amorsolo" pagtuturo n'ya doon sa babaeng nakapinta sa gawing kaliwa naman.

"mamili kana ng iyong balak basahin at kung may oras pa ay ililibot kita rito ng maalala mo lahat" sabi nito habang nakangiti at tumango na lamang ako

Inikot ko ang aking tingin at hindi alam kung saan huhugot ng libro. Nilibot ito ang una kong nakita ay ang Fray Botod ni Ginoong Graciano Jaena na nagtatag ng La Solidaridad noong taong 1889at naging unang patnugot nito.

Kinuha ko ito saka naglibot uli ng medyo makalayo ako mula sa pinangkunan ko noong unang libro at nakita ko naman ang libro ni Ginoong Francisco Baltazar na ang Florante at Laura. Sa kanyang galling ay kinilala siyang Ama ng Panulaang Tagalog.

Nilampasan ko ito dahil nabasa ko na naman ang sumunod ay nagpunta ako sa gawing taas at pagtingin ko sa baba ay andon si Javier taimtim na nagbabasa roon sa may lamesa malapit sa may bintana ng Silid Aklatan na ito.

Pag akyat ko sa hagdan ay makikita ang lawak ng ng buong silid na sadyang nakakamangha, bumaling ako sa mga libro ng makita ko napansin ko na narito rin ang gawa ni Dr. Jose Rizal ngunit kopya na lamang.

Narito rin ang mga tula ni Jose Palma naman ay sumulat dati ng tulang Español na pinamagatan niyang “Filipinas”. Ang mga tiktik sa sa Pilipino sa ating awiting pambansa ay nakabatay pa sa tula n'ya.

At nang masuyod ko ang iba pang libro at habang binabaybay ko ang bawat libro ay kukunin ko na libro ni Del Pilar na Dasalan at Tocsohan ay may kamay na kukuha rin nito at ang naging pangyayari ay sabay kaming nakahawak sa libro.

Halatang mas matangkad ang nasa likuran ko, at alam kong si Javier ito dahil nakaramdam na naman ako ng kung anong pakiramdam na na hindi ko maipaliwanag.

"ay, sigeee sayo na iyan at dadalawa lamang naman ang iyong librong nakuha" ngiti nitong sabi habang inaya na ako na bumaba na at maupo para magbasa.

Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon