Capítulo Vientedós

78 7 0
                                    

Napatingin na lamang ako kay Joaquin at napatigil sa aking kinatatayuan samantalang itong si Joaquin ay lumapit agad roon sa babae at ako naman ay napapatanong kung sino ba iyon.

Ito kaya si Francesca? O iba? O kaibigan ni Joaquin? Pero kilala ako?

Para akong baliw na tanong ng tanong ng biglang lumapit ito sa akin at niyakap ako samantalang ang itsura ko ay yung tipon nagulantang na pusa.


"Amaliaaaa, kamusta kanaaa?" masigla nitong sabi na napangiti na lamang ako kahit di ko naman talaga alam kung ano ang nangyayari

"ayos naman" tipid kong sabi buti na lamang di ako nauutal

"maganda kung gayon, balita ko ay si Javier ang iyong konsorte noong iyong kaarawan" patalikod nitong lakad habang nagtatanong at napatingin na lamang kay Joaquin

"ah oo, bakit mo naman natanong?" naglalakad kong responde sa kan'ya

"bakit hindi itong si Joaquin ang iyong pinili" para bang di tama sa tono ang tanong nito

"alam naman ni Joaquin ang dahilan, at mas komportable ako kung matalik na kaibigan ko ang aking kasama" kaswal kong sagot sa kan'ya


"ganoon ba" ikli naman nitong sagot na tila ba ang laki na ng ulap na nakapaligid sa amin.


"Frances, una na kami" singit naman ni Joaquin, salamat.


"ganoon ba, sige mauuna na rin ako at hinihintay ako ni Javier" dali dali nitong sagot at nagtungo sa direksyon papunta kina Javier


Natulala pa ako ng mga ilang sandali ng tawagin ako ni Joaquin


"Amalia..... ? Ayos kalang ba...?" saad naman nito at pagtingin ko ay parang nag aalalang bata


Napangiti na lamang ako "oo naman, tara na....?" saad ko na lamang at naglakad na saka naman ito sumunod


Nakarating kami at sinalubong agad ako ni Liliana ng yakap.


"buti naman andito kana" sabi naman nito



"bakit? Masyado ba kaming napatanghali?" saad ko naman na nakita na andon na eong magsusukat



"hindi naman, sadyang nasasabik lang ako makita ni Kuya na makapareha" saad naman nito at napatingin na lamang ako kay Joaquin at ngumiti




"mukha nga...." simple kong sagot




Pagkasabi ko noon ay tinulungan na akong tumayo ni Joaquin para sukatan.





Matapos ang pagsusukat sa akin ay tumayo s'ya at sumundo roon sa nagsusukat habang ako ay nakaupo sa tabi ni Liliana.




"napaka gandang lalaki talaga ni kuya, kahit sang anggulo..." sambit nito




"ang inosente rin n'yang tingnan" napatitig na lamang ako rito


"tama ka riyan, sasamahan na ako ni kuya Unibersidad ng Santo Tomas ngayong taon" nabigla ako sa sinabi n'ya



"seryoso ba iyan....? Lilipat na rin ako ngayong taon doon" masaya kong sabi


"talaga? Buti na lamang talaga iyon ang pinili ni kuyang Unibersidad" sabi naman nito


"anong kurso ang iyong kinuha?" tanong ko naman rito



"abogasya, ikaw malapit kanang makatapos ng kolehiyo. 3 taon na lamang diba?" tanong naman nito




Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon