Capítulo Veinticuatro

71 6 0
                                    

Kinabukasan ng nagising ako ay halos alas nwebe na rin ng umaga at napasarap ang aking pagpapahinga kaya tinanghali ako ng gising.

Nagmamadali akong nag ayos at bumaba at halos muntik na akong malaglag rokn sa hagdan at saktong pababa na ko ay nadinig kong sabi ni Donya Celestine na tawagin na ako dahil halos tanghali na nga raw.

Habang paakyat si Belinda ay nagulantang ito dahil halos makababa na din ako.

"oh ate nariyan na po, pala kayo" malumanay na sabi nito sa akin.

Saka naman ito bumalik roon sa kinatatayuan ni Donya Celestine at sinabing ako ay nakababa na.

"oh anak, umupo kana riyan at mag umagahan kana. Mukhang pagod na pagod ka kahapon" saad nito habang nilalagyan ng kanin iyong plato ko.

"medyo po, napasarap po ang tulog ko eh dala na ho siguro ng pagod" saad ko naman at tumango

"damihan mo ang iyong kain anak, mamaya ay darating na iyong mga damit na mdalas mong susuotin sa Unibersidad ng Santo Tomas sa iyong araw-araw na pasok roon."saad nito na nagpangiti sa akin

"talaga po? Di naman po masyadong kailangan dahil napakaraming damit riyan sa aking kwarto" saad ko namna habang sumusubo ng pagkain at nakangiti padin

"ang mga damit mo riyan ay sadyang pang Las Casas lamang Amalia, iyong mga darating ay sadyang bagay para sa maynila at mas komportable iyon sa pakiramdam" saad naman nito na patuloy paring kumakain

"wala ka bang gagawin ngayon Amalia?" tanong naman uli nito sa akin

"wala naman po, tapos na naman kaming magpili at darating naman daw po mamaya iyong damit para isukat. Hapon pa naman ho iyon, bakit po?" salaysay ko rito

"isasama kita sa pamilihan upang makapili ka ng mga gamit na madadala at magagamit mo sa iyong pamamalagi sa Maynila" saad naman nito na nagpabalik ng aking ngiti

"sige po, anong oras po ba iyon?" saad ko namang muli na halos patapos na sa aking pagkain

"mamaya pa naman iha, nga alas dose ba ay maari na sa iyon?" sabi naman ni Donya Celestine

"opo naman" saad ko dito saka naman tinapos ang pagkain at tinulungan nang magligpit si Belinda

"malawak ba ang pamilihan sa Bayan, Belinda?" saad ko naman dito saka umupo sa sopa at inanyayahan na ding umupo si Belinda roon.

"malawak po, halos kalahati ata iyon ng Las Casas ngunit napakalinis naman roon" saad naman nito

"sasabihin ko kay Ina, isasama ka ha" sabi ko rito

"sige po" malumanay nitong sagot sa akin.

"sige na Belinda, aakyat na muna ako roon sa taas ha, mag aayos na rin ako tawagin mo na lamang ako kapag kailangan na ako ni Ina" malumanay kong sagot rito at saka umakyat na roon sa silid bago magtungo na sa aking kwarto.

Pagpasok ko roon ay halos walang nagbago sa nawala nga lamang ang mga gabok dahil lagi siguro itong nililinis ni Belinda at sinusunod ang bilin ko na walang aggalawin na kahit ano.

Nang tumingin ako sa bintana ay namasdan ng aking mga mata ang ganda ng dagat ngunit mas may nakapulot ng aking atensyon.

"ano ba talagang nararamdaman ko sa iyo?" tanong ko habang pinagmamasdan ang kabuuan ni Javier na naroon sa dalampasigan ng may bigla akong nakitang papalapit na s'yang nag udyok sa akin na lumabas na ng silid.

Habang naglalakad patungo sa aking kwarto ay walang tigil ang mga tanong na tumatakbo sa aking utak.

"Ano ba talaga ako sa'yo?"
"Bakit ganito ang nararamdaman ko? "

Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon