Capítulo Treinta Y Tres

80 4 0
                                    

Nang makauwi ako ay nadatnan ko ang tambak ng gamit,  3 kahon iyon, medyo may kalakihan ang dalawa ngunut yung isa ay di naman gaano. Nasa kwarto ko iyon lahat kaya alam kong para sa akin iyon.

Naligo muna ako at nagpalit ng mas maaliwalas na damit para naman presko. Binuksan ko na iyong isang maliit na kahon at tumambad sa akin ang sapatos na itim, para siguro ito sa uniporme, kaya't nagpasya na rin akong buksan iyong malaki na naglalaman ng uniporme at id na kulay kahel.

Di lamang isang pares ang uniporme na narito kundi lima kaya siguro malaki. Blusa iyon na puri na may manggas samantang ang palda naman ako itim na hanggang tuhod kung tatantyahin.

Sa kabilang kahon naman ay mga gamit na gagamitin ko sa kursong ito na pinasulat lamang samin kanina at balak ko palang sabihin sa kanila pero narito na ngayon, at ibant ka kailanganin pa sa isang araw, ang suspetsya ko ay inalam pa siguro nila sa mga propesor ang mga kailangan.

Nang maayos ko na lahat iyon ay bumaba na ako para kumain, sinabi rin ni Francesca na may kahon ring dumating sa kan'ya na galing kay Donya Celestine, may sulat rin daw iyon na kalakip na nagsasabing pagbutihin namin ang lag aaral na kahit di nila sabihin ay gagawin namin.

Naging maganda ang takbo ng mga araw, may pagkakataon na kinukulang sa oras sa pagpapasa ng mga outputs pero kadalasan ay lagi akong nauuna. akala ko ay mahirap ang kursong ito pero kaya naman pala at mas nalawak ang aking nalalaman saka mas nagagamay ko ang paggawa ng mga outputs na ipinapasa o kung tawagin ay plates.

Isa pa riyan ang walang palya na pagsundo ni Javier tuwing magtatanghalian, wala iyong palya sa loob ng dalawang bwan, kapag naman wala siya ay si Joaquin naman ang kan'yang kapalit.

Usapang Joaquin, ito na nga siya nasa may pinto na. Halos lahat rin rito sa klase ay malapit na sa akin kaya hindi na ako naiilang o ano man.

"Paumanhin natagalan ha" sabi ko rito dahil medyo marami akong inimis na gamit dahil katatapos lamang namin magsubmit ng plate.

"ayos lang 'yon, ako na d'yan" kuha nito sa librong dala ko, 3 piraso rin iyon kaya may kabigatan ng kaunti, "salamat" saad ko naman saka sumunod sa kan'ya, kasama ni Isabel.

Nakarating kami ng Kapiterya na kumukulo na ang tiyan dahil hindi ako kumain ng umagahan buti na lamang ako lang ang nakarinig. Wala rito si Javier dahil abala raw sa Ospital dahil nga paborito ng mga propesor.

"Si Javier?" tanong ko kay Francesca

"ayon hila hila ni Sir Guellermo, may aayusin daw sa Lab." saad naman nito kaya tumango na lamang ako, nasanay na rin sa amin itong si Isabel at di na s'ya nahihiya tulad ng dati, s'ya nga lang ang nagpapaingay kapag kumpleto kami.

Nang makakain ay saka dumating itong si Javier na pagod na pagod, mukhang maraming pinaggawa yung propesor nila. "ayos kalang?" saad ko dito dahil sa tabi ko ito naupo, at iyon lang rin naman ang bakante. Tumango ja lamang ito sa kumubakob doon sa lamesa at ipinikit ang mata, may 1 oras pa naman kaming bakante kaya hinayaan na lamang namin dahil mukhang pagod na pagod nga.

Nagbasa na muna ako ng libro dahil may pagsuuslit kami mamaya dahil malapit na ang finals at makakatapos na agad kami isang semester kaya malapit na rin ang isang linggo na pahinga na ilalagak ko sa Bataan. Nagpaalam na sina Joaquin na tapos na raw ang kanilang pahinga kaya't nauna na, kaming tatlo na lamang ni Isabel ang natira samantalang si Javier naman ay mahimbing pa ang tulog.

Napansin kong tumunghay na ito at nagtaka dahil kami na lamang ni Isabel ang narito at isinaad ko naman rito kung bakit wala na sina Joaquin at napatango lamang.

Tumayo ito at nagpaalam na may bibilhin daw lamang. Nang makabalik ay may dala itong inumin, para sa akin at kay Isabel.  "Salamat" tanggap ni Isabel rito na nakatuon parin ang atensyon sa libro.

Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon