Capítulo Veintiséis

65 5 0
                                    

Matapos ang dramahang nangyari samin ni Joaquin ay dali dali kaming natungo na nga sa kanila at gawin ang nararapat.


"oh kuya, bakit naman ngayon kalang?" saad naman ni Liliana bago pa ako napansin na kasama ni Joaquin


"oh, andyan kana rin pala Amalia. Kanina ko pa kayo inaantay akala ko sandali lamang roon si kuya" pagkasabing pagkasabi ni Liliana ay bigla itong sinamaan ng tingin si Joaquin


Napatawa na lamang ako sa sama ng tingin ni Liliana kay Joaquin at suminggit sa usapan at baka mamaya ay mag away pa ang dalawang ito.


"oh tama na iyan, narito na ako oh" napangiti na lamang ako pagkasabi noon


"pasalamat ka kuya narito si Amalia, nakoo" masama parin ang tema samantalang si Joaquin ay halos di na makahinga katatawa roon sa isang banda.


Sadya palang napakalapit ng dalawang ito sa isa't isa, at napakasarap pagmasdan dahil tila kahit nag aasaran ay punong puno parin ng pagmamahal ang mga mata nila.


"nga pala Amalia, naroon sa itaas ang iyong damit. Tutulungan na ba kitang sukatin iyon?" sangguni naman nito at napangiti ako dahil kahit naiinis ito kay Joaquin ay napaka kalmado parin ng pakikipag usap nito sa akin.

"magandang ideya iyan, tara na?" pag anyaya ko kay Liliana upang mabawasan naman ang inis niya kay Joaquin na hanggang ngayon ay tawa parin ng tawa at mukhang mas iniinis itong si Liliana.




Nagtungo na kami roon sa taas ng kanilang bahay at namangha ako sa istruktura nito dahil mukhang matibay at maganda ang pagkakagawa at samahan mo pa ng mga ang mga magagandang pinta na naka paskil sa mga dingding.


Sa sobrang kyuryosidad di ko napigilang itanong kay Liliana iyong isang pinta na halos katulad noong di ko natapos na ipinta noon pang isang bwan.

"Liliana?" saad ko habang nakatitig parin roon sa pinta na nakapaskil

"ano iyon?" saad naman nito uli nito at tumingin na rin sa gawi kung saan ako nakatingin

"kaninong obra iyon?" turo ko doon sa pinta


"kay kuya Joaquin iyan, 5 taon na iyan riyan" saad nito


"marunong pala magpinta si Joaquin? Ngayon ko lamang nalaman iyon ah" saad ko habang iginagala parin ang aking mata sa bahay na ito

"noong una nabigla rin ako, dahil ang madalas naman hawak n'yang si kuya ay libro pero 5 taon na nakakalipas ng makita kong humawak ng mga gamit sa pampinta iyan, hanggang ngayon naman ngunit madalang na dahil nga sa maraming gawain at sa pagkokolehiyo n'ya." paliwanag naman namam nito sa akin

" ganoon ba, makakasundo ko pala talaga si Joaquin"saad ko naman saka tumuwid ng tingin sa baitang dahil baka magdulas na naman ang paa ko kalilinga rito


"nakakapag taka nga e, di naman kayo ganoon kalapit ni kuya noon, pero ngayon simula noong nanliligaw na s'ya sa iyo ay mas nalapit s'ya sayo at bihira na kayo magkita ni kuya Javier di tulad ng dati" saad nito na tila natigilan ako


"marami namang ginagawa ang isa't isa kaya hindi na masyadong nagkakasama, saka hindi naman dapat kailangang magkasama dahil kaibigan ko lamang siya at may mga gawain kami sa aming bawat buhay" pagpapaliwanag ko kay Liliana at iniisip kung tama ba iyong mga sinasabi ko

"may punto ka riyan, pero hindi ba nanliligaw rin sa iyo si Kuya Joaquin? Bakit napapansin ko noong nakaraang araw na laging si Ate Francesca ang lagi n'yang kasama?" paliwanag at tanong nito sa akin na napalunok na lamang ako


Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon