Capítulo Veintiuno

88 4 0
                                    

Napabalikwas ako ng marining ko ang pangalang iyon, di ko alam kung saang parte ng bahay ko narinig angbpangalang iyon ngunit baka guni guni ko lamang ito dahil sa lalim ng binabasa kaya naman napagpasyahan ko na lamang bumaba.

"sino kaya iyon, o baka guni guni ko lang talaga" pag uusap ko saking sarili habang pababa na at dala dala ko iyong libro na aking binabasa at balak basahin uli sa kwarto iyon.

"oh ate, di pa ho ba kayo magugutom? Hapon na ho, gusto n'yo ba magmeryenda?" sunod sunod na tanong ni Belinda sa akin.

"sigee pakidala sa kwarto ha" saad ko at ngumiti naman ito ang nagdiretso na sa kusina at ako naman ay sa kwarto

Ilang sandali ng aking pamamalagi sa kwarto ay agad namang dumating si Belinda na may dalang pagkain.

Inilapag ito ni Belinda sa lamesa at umupo roon.

"ayos kalang ho ba?" tanong nito sa akin habang ako naman ay nagbabasa noong libro na aking nakuha sa aking silid

"oo naman, kumuha kana d'yan magmeryenda kana din" saad ko naman at ginawa naman n'ya iyon

"pupunta kayo bukas kina Ginoong Joaquin no?" aniya naman nito uli

"oo eh, bakit mo natanong?" sabi naman ko naman rito at itinigil na ajg pagbabasa dahil nasakit na ang aking mata

"hindi n'yo ba ho kailangan ng kasama?" aniya namab nito habang nakain uli

"hindi na siguro Belinda, mukha namang kaya ko na iyon" saad ko naman na may halong oag aalinlangan

"sige ho, mag iingat ho kayo ha" aniya nito

"oo naman Belinda, saka diyan lang naman iyon" ngiti kong sabi dahil sa saya na ang nadarama na kahit wala akong kapatid rito sa buhay na ito o may kapatid man ako ay pakiramdam ko hindi ako nag iisa.

"ay s'ya nga pala ate, dumating na ho sina Don Amando at Donya Victoria kasama ang inyong kababata sa si senorita Francesca" saad nito na napatingin ako habang nakain

"sino iyon? Kababata ko?" saad ko naman na itinuon ang aking sarili sa kanya upang makinig

"sadya nga hong nabagok kayo" saad nito na napatawa nalang ako

"sadya nga hehe" saad ko

"kababata n'yo ho si Senorita Francesca, medyo maarte at metikolosa pero magkasundong magkasundo kayo non" saad nito

"ah ganoon ba, bakit umuwi? San s'ya galing?" usisa ko naman

"espanya po, siguradong puro ingles ang salita non ngayon ate, kasi naroon ang negosyo ng kan'yang mga magulang kaya napagpasyahan nila na dalhin na rin siya roon kesa maiwan lagi rito" saad naman n'ya na saulong saulo ang sasabihin

"ganoon, paano mo nalaman iyan lahat?" sabi ko naman

"kwinekwento ni Inay kaya ayun, at isa pa pala ate" putol naman nito sa iniisip ko

"ano iyon?" mahinahon kong sagot

"matagal na siyang may gusto kay Ginoong Javier at masugid na manliligaw n'ya si Ginoong Benjamin na pinsan ni Ginoong Javier" aniya ni Belinda na nakatuon ang atensyon sa akin

"ha? Seryoso ka?" sabi ko naman na halos nagulantang sa aking nga narinig

"opo naman at mukhang s'ya ang naririnig kong kapareha ni Ginoong Javier sa Flores de Mayo ngayong taon" ang mga salitang iyon ang lalong nagulantang at nagpabingi ng aking katauhan.

Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon