Malapit na kami sa bahay nina Joaquin at biglang may humampas na malakas na hangin na nag palugay ng aking mahabang buhok.
"ano ba naman yon" reklamo ko habang itong si Joaquin ay nakatitig lamang sa akin at napamurot na lamang ang aking mukha
Buti na lamang ay maydala akong pamuyod roon sa dala ni Joaquin.
Lumapit ako rito at inihandog naman nito sa akin iyong kan'yang bitbit at ako naman ay napatungo upang hanapin iyong pamuyod.
Habang nakatungo ako ay biglang lumaylay sa aking mukha ang kaliwang bahagi ng aking buhok na sya namang tumakip sa aking mukha.
Hahawiin ko na sana iyon ngunit naunahan ako ni Joaquin. Hinawakan niya ang aking buhok hanggang sa nahanap ko iyong pamuyod.
"salamat" saad ko naman at tuluyan ng ipinuyod ang aking buhok ng kalahati ng biglang matamaan ng aking mata ang kabuuan ni Javier na naroon sa balkonahe ng kan'yang kwarto.
Nagbabasa ito, at nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. Agad naman akong umiwas ng tingin dahil baka mapansin pa Joaquin ay magkaroon pa ng komosyon.
Hanggang ng makarating kami kina Joaquin ay tila ang itsura ko ay balisa parin sa konsensiya. Ikakalma ko ang aking sarili para naman kahit hanggang mamaya ay maayos ako.
"Amaliaa hija, magandang tanghali" bati naman ni Ina ni Joaquin na nagpabuhay sa dugo ko dahil hindi ko inaasahan na narito sila sa ganitong oras
"Magandang tanghali po" bati ko naman, inayos ko ang aking sarili at ngumiti sa mga ito
"kumain kana ba hija? Umupo kana rito" nilapitan ako nito at ihinatid ako nito sa upuan kung saan katabi ko si Joaquin
"opoo, salamat po" saad ko naman at ipinagayos ang ng upuan ni Joaquin at saka ito umupo sa gilid ko, kaharap ko si Liliana habang ang Ina naman ni Joaquin ay nasa dulo o gitna ng lamesa.
"Nasaan ang iyong Ama?" pabulong kong tanong kay Joaquin at humilig ng kaunti pakaliwa para madinig n'ya iyon
"nasa Maynila, marami iying inaasikaso. Bakit?" balik naman nito sa akin
"wala naman hehe" saad ko uli at saka umayos na ng upo
Nang halos makatapos na kaming kumain. Kaunti lamang ang aking kinain dahil nga roon sa damit na halos kasyang kasya lamang sa akin at baka magkaproblema kapag hindi iyon magkasya.
"hija, busog kana ba riyan?" pagtatanong ng Ina ni Joaquin sa akin
"opo" tipid kong sagot rito at kalaunan ay natapos na rin at nagsimula na ang pag aayos para sa Flores De Mayo
Pinaakyat na ako nitong si Liliana sa kwarto niya at nagulat ako na naroon ang damit at may nagaantay na sa akin na mag aayos dahil sa buong akala ko kaya ako pinapunta rito para tulungan ako ni Liliana ngunit nagkamali ako.
"akala ko ba-" saad ko at pinutol naman ako agad ni Liliana at pinaupo roon sa lamesa niya na pinag aayusan.
"Ate Lucia ikaw na bahala kay Amalia ha, babalik din ako may aasikasuhin lang ako sa baba" saad naman nito at naiwan kaming dalawa rito sa loob
"Magandang tanghali po" bati ko naman para mawala ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa rito aa loob
"Magandang tanghali rin, napakaganda mo naman iha" saad nito. Di ko inaasahan na ganito s'ya kasigla magsalita dahil sa mukha ay hindi mo halata kung mahinhin ba ito o mataray, masaya naman ako dahil mukhang magiging masigla ang mga oras ko kasama siya.
Nagsimula na itong ayusin ang aking buhok. Nakataas ito at nakapulonpon ng mataas, medyo makapal ito dahil mahaba ang aking buhok ngunit mas nagpaganda pa ito sa ayos ko.
BINABASA MO ANG
Fell on year 1960 | ✔️
Historical FictionShe fell asleep. She fall inloveee. She's been used to that kind of life. But how long? © kiamchixx