Capítulo Treinta Y Dos

63 5 0
                                    

Hindi ko na nalaman ang sasabihin niya dahil bigla nang dumating ang propesor sa aming klase, kaya nagdimula ng umayos ang lahat pero an dami ng tao ay hindi nadagdagan.

"Magandang Umaga sa inyong lahat" bati ng propesor at bati rin naman naming lahat na para bang mga nag aaral pa sa elementary.

"as i expected, kakaunti parin ang mga estudyante sa departamentong ito" saad nito at medyo nagutla ako sa ingles at mukhang normal iyon rito, sa wakas kahit papaano ay magagamit ko na iyong mga ginagamit at naririnig kong salita sa panaginip kung saan si Amelia ang pagkatao ko na hanggang ngayon ay di ko pa rin alam kung alin ang panaginip sa hindi.

Kung ito man o hindi ang aking tunay na buhay o katauhan ay susulitin ko ang bawat sandali upang wala akong pagsisihan sa dulo.

Ang naging gawain namin sa araw na ito, ipinaliwanag ng propesor kung bakit kami kakaunti ay marahil mahal ang kursong Arkitektura kumpara sa ibang kurso rito sa Santo Tomas. Ito raw kasi ang nangungunang kurso ng Unibersidad na ito kaya't ganon na lamang ang pagtuturo tila lahat ay nakatuon rito.

Ipinaliwanag rin ngayon kung saang mga departamento kami magkakaroon ng klase, mga gamit na marapat ay meron ka at ang mga panuntunan at regulasyon di lamang sa klase kundi sa buong unibersidad. Isa rin sa ginawa namin ay ang pagbibigay ng pangalan ng bawat isa sa bawat propesor na pumasok para raw iyon aa talakayan kaya't medyo kinabahan ako.

Natapos ang mga asignatura namin hanggang alas nurbe sa araw na iyon, alas dose o ala una na ata ang balik namin sa klase kaya't makikita ko na uli si Francesca dahil medyo nahihirapan ako ng walang kakilala ng bigla uli akong tawagin ni Isabel.

"Amalia nga 'no?" saad naman nito at tumango na lamang ako.

"Buti pa kayo malapit ni Javier" pagpapantasya nito

"bakit? ano bang meron kay Javier?" saad ko habang nagliligpit ng gamit.

"hindi mo alam?!" pasigaw nitong sabi pero hindi naman kalakasan iyon.

"alin?" sambit ko

"Akala ko ba magkababata kayo? Si Javier ang pinakatanyag na mag aaral rito, tapos may nalaman rin ako na bagong lipat na galing espanya daw e" saad nito at tila iniisip pa ang pangalan.

"babae ba o lalaki?" tanong ko rito dahil alam ko maalin kay Francesca o Joaquin ang kan'yang tinutukoy

"dalawa yon, babae at saka lalaki ang pagkakaalam ko." saad naman nito uli na tila ba alam lahat ng usapin rito.

"si Francesca Alvarez at Joaquin Esquivel ba?" tanong ko rito saka kinuha ang libro saka nagtangkang lalabas na

"hoy kilala mo din yon?" gulantang na tanong sakin nito

"hmm, tara. Papakilala kita" saad ko at napanganga nalang ito at nataranta.

Tulad ng aking inaasahan naroon nga si Javier may kausap pang mag aaral rin na nakasuot ng gown na para sa doktor at may stethoscope pa sa leeg na nakasabit.

"Amalia, tara na?" saad nito at saka kinuha ang libro ko ja nagpalaki sa mata ni Isabel.

"uh Javier, si Isabel" pakilala ko kay Isabel na nagpalapad ng ngiti nito.

"Magandang Umaga Isabel, Javier" pakilala nito at nakipagkamay pa na lalong nagpangiti kay Isabel kaya't napangiti na lamang rin ako.

Isinama ko na ito at komportable itong nakahawak sa braso ko kaya masaya ako na magkakaroon uli ng hindi lamang kakilala kundi kaibigan kong maituturing.

Nakarating kami ng kapiterya at hindi ko inaasahan na naroon na agad si Joaquin at Francesca, mang tingnan kobkung sino iyong nakatalikod ay nabigla ako dahil si Liliana iyon kaya nanlaki ang mata ko't nagtaka kung bakit narito s'ya at ngayon ko lang naalala na rito nga rin pala s'ya mag aaral kasama ang kanyang kuya.

Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon