Capítulo Treinta Y Seite

62 4 0
                                    

Hindi ko maintindihan ang gagawin ko. Ayaw kong mag isip ng masama ukol sa nangyayari ngayong mga nakaraang araw. Ito ba ang dahilan kung bakit umiiwas s'ya sa akin. Bahala na.

Pagpasok ko roon sa loob may nakahandang mga pagkain sa lamesa, naroon ang Ama't-Ina nitong si Joaquin pati na rin si Liliana ay naroon na mas nakakunot ng noo ko.

"A-ano pong n-nangyayari...?" uutal-utal kong saad sa mga ito na para bang nakakita ng multo noong sumulpot ako mula sa pinto.

"A-andiyan kana pala hija. Belinda samahan mo muna si Amalia sa kwarto n'ya para makapagpalit" diretsong saad ni Donya Celestine na para bang hindi kinakabahan.

Sumunod na lamang ako kay Belinda nang walang pag-aalinlangan. Pagdating ko roon ay may nakahandang damit na at mukhang ako na lang talaga ata ang inaantay.

"Ano ba talagang nangyayari?" walang emosyon kong saad na tila nawawalan na ng gana sa lahat.

"Hindi ko rin po alam Ate, umuwi nalang sila kanina at inutusan kami na magluto saka sila umalis saka bumalik uli na kasama na sina Don Adolpho at Donya Ximena" pagpapaliwanag nito.

"Ganoon ba, salamat. Tara na, nakakahiya baka inaantay na ako roon" saad ko na napatawa nalang.

Pagbaba ko roon ay agad akong sinalubong nitong si Joaquin at inalalayan na makaupo roon sa tabi nya. Unti-unti na namang nabubuo sa utak ko ang mga bagay na hindi ko maraoat isipin dahil sa mga ikinikilos nila.

"Sino pong may kaarawan?" iyan lamang ang tanong na lumabas sa utak ko na maari kong itanong sa mga oras na ito.

"Anak. wala tayong ipagdidiriwang. Salo-salo lamang ito" natatawang saad nitong si Don Amadeo na para bang nang iinis na hindi ko maintindihan.

Tila nag-iba sila simula noong umalis ako ng Bataan at mag-aral rito. Para bang hindi na sila iyong mga magulang na nakagisnan ko simula noong nagising ako sa panahon at mundong ito.

Napakahirap na bang paniwalaan ng mga nangyayari at mga sinasabi nila. Hindi ko na rin alam kung sino ang marapat kong pagkatiwalaan.

"Hehe, ganoon po ba" walang gana kong saad.

Sila-sila lang naman ang nag-uusap bakit kailangan pang narito ako?

"Amalia hija" tawag ni Donya Ximena sa akin mula sa kawalan.

"po?" nagtatakang saad ko.

"Kumusta ang pag-aaral mo?" saad nito. Dapat si Donya Celestine o Don Amadeo nagtatanong noon 'diba?

"ayos naman po, may posibilidad raw po na makapasok ako sa dean's list kapag nagpatuloy ang magandang performance ko po" saad ko, wala rin naman akong pagpipilian kundi sabihin iyon, sasabihin ko rin naman kina Don Amadeo at Donya Celestine kaya mas mabuting sinabi ko na ngayon. Isang bagsakan nalang.

"Napakagaling talaga nitong Unicahija ko, bakit hindi mo agad sinabi sa amin? Kahit sa iyong Ina?" para bang tuwang-tuwa na saad ni Don Amadeo kahit kita sa mata n'ya na hindi, nakaramdam ako ng kaunting lungkot dahil roon.

"kamakailan ko lamang rin po nalaman, medyo abala po ako kaya nakaligtaan ko na pong sabihin. Paumanhin po."


Alam kong masamang magsinungaling pero wala rin naman akong pagkakataon upang masabi sa kanila iyon. Dalawang beses lang nila ako tinawagan sa halos 2 na bwan at mahigit kong pananatili rito, noong huli pa ay binigyan pa nila ako ng isipin na halos magpabaliw sa akin.


"Ayos lang iyon, alam ko namang mahirap din ang buhay kolehiyo. Dumaan na rin naman ako riyan" pagkwekwento uli ni Don Amadeo.


Nagiging mas madaldal na siya kaysa noong huli kaming nagkita, hindi ko na rin malaman kung ano bang ginagawa nito sa araw-araw at halos hindi na nagpapakita at umuuwi.

Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon