Capítulo Treinta Y Cinco

60 5 0
                                    

Hinila ako ng hinila nitong si Liliana, di naman ito kalayuan sa katayuan nilang tatlo nina Javier, Joaquin at Francesca.

"t-teka lang" pagkalas ko kay Liliana "mayroon atang sasabihin ang kuya mo-" naputol iyon dahil sumulpot itong si Lucas saka inakbayan ang dalawa ni Joaquin at Javier na napakunot at taas ng kilay ko.

Buong galak na binati ni Joaquin itong si Lucas samantalang si Javier ay parang napipilitan lang. Nang bumaling ang tingin sa akin ni Lucas ay nagulat ako dahil mukhang nagbabalak itong lumapit sa akin.

"si Amalia ba iyon" tanong nitong si Lucas, maayos naman ang ekspreyong ginagawa n'ya hindi katulad ng kahapon. Mas mukha siyang mabait at kagalang-galang.

"oo, nililigawan namin ni Javier... teka, paano mo pala nakilala si Amalia?" tanong ni Joaquin kay Lucas na nagpatingin at nagbunsod na tumingin sa kan'ya ang lahat ng mata na nakapaligid sa amin.

"kahapon, sa kainan na kinainan n'yo kanina. Kasama n'ya si Javier." saad nito saka siniko ng bahagya si Javier "diba Javier"

"ah, oo kahapon... pagkatapos noong election kahapon..." di ko pa alam kung ano ang ireresponde ko sa mga ito dahil tila tensyon ang bumabalot sa paligid.

"sa akin ihinabilin ni Gg. Esguerra si Amalia, guiding for President." blanko ang mukha nito ng sinabi n'ya iyon na tila ba kalmadong kalmado samantalang ako ay tila lalabas na ang puso sa kaba na bumabalot rito.

"hoy! presidente ka ng organization n'yo?! " gulat na gulat na tanong nitong si Liliana at Francesca

"laking responsibilidad n'yan, kaya mo ba?" usyoso naman ni Isabel

"kakayanin" buong galak kong tugon sa kanila na napangiti na lamang din sila sa akin.

"edi magkakilala na kayo?" turo ni Francesca sa akin at kay Lucas

"pangalan lang, mukhang ayaw ipakilala sa akin nitong si Javier e.." hindi ito pinapansin ni Javier dahil mukhang naiinis lang ito roon.

"Bakit naman hindi" para bang nanggagalaiting tingin ni Joaquin kay Javier saka ngumiti uli sa akin na nagpatayo ng balahibo ko sa buong katawan.

"Oo nga naman Javier" pagsang ayon pa ni Francesca na ngumingisi pa na lalong nagpakaba sa akin.

"Kaklase ko s'ya Amalia, Lucas Dominguez" inilahad nito ang kamay n'ya, kinuha ko naman iyon para naman hindi ako mukhang bastos kahit na medyo kinakabahan ako.

"Amalia Valencia" tugon ko naman saka dali-dali kinalas ang kamay ko sa kan'ya.

"Hindi kayo nag aaway?" tanong nitong si Lucas kqy Joaquin at Javier

"bakit sila mag aaway?" taas kilay na tanong ni Isabel saka ito lumapit sa sakin at kumapit ng mahigpit saka ako napatingin dito pero ito'y diretsong-diretso ang tingin doon kay Lucas.

"syempre, iisa lamang naman si Amalia tapos sabay pa kayong nanliligaw..." pagbibigkas nito na mas nagpatahimik at nagpadilim ng paligid.

"ano talagang ipinahihiwatig mo, diretsyohin mo na kaya kami" medyo tumataas na ang boses nitong si Isabel at halata mo sa kan'ya na naiinis na ito.

"kalma... ang sa akin lamang naman paano kung may nagugustuhan na pala si Amalia sa isa sa inyo" saad nito na nagpabaling ng tingin ng lahat sa akin na nagpatibok ng puso ko ng sobra at tila gusto na bang sumabog.

Gustuhin ko mang umalis sa sitwasyong ito ay wala akong maggawa kundi harapin ito.

"ano kayang mararamdaman ng isa sa inyo kung nagkataon" dagdag pa nito na nagpaiba ng tema ng dalawang lalaki na kanina ay maayos pa ang itsura.

Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon