Capítulo Quince

197 8 2
                                    

Nang maaninag ko kung sinoo iyon ay biglang sambit naman nitong si Belinda

"senorita, diba si Ginoong Joaquin iyong papalapit?" sambit nito habang nakangiti

"oo belinda" sabi ko naman na halos malapit na si Joaquin

Ilang hakbang lamang ay nakalapit agad ito dahil sa haba ng mga biyas.

"magandang umaga mga binibi" malumanay na sabi ni Joaquin

"magandang umaga Ginoong Joaquin" tango ko namang sabi  rito

"may gusto lang sana akong ikausap sa iyo binibining Amalia" sambit nito

"maari bang roon tayo sa malilom? Napakainit naman kung rito tayo mag uusap sa gitna nitong Plaza Marcelino" mariin kong sabi rito

"kung gayon ay tayo na't magtungo" sabi naman nito na para bang nahihiya pa

Nakarating kami sa isang upuan sa ilalim noong puno ng talisay.

"nais ko lang sanang sabihin na, hindi ako makakapag ensayo ng halos dalawang araw" malumanay nitong sabi sa akin

"walang kaso iyon sa akin, basta makakasunod ka at payag ang iyong kapatid" sabi ko naman habang itong si Belinda ay tulala kay Joaquin

"kung sa gayon ay maari na akong mauna sa inyo mga binibini" sabi nito at amba ng aalis

"mag iingat kayo" sabi nito saka mabilis naglakad patungo sa Casa Jaen

"napakagwapo talaga ni Ginoong Joaquin" nakangiting sabi ni Belinda

"natitipuhan mo ba si Ginoong Joaquin?" tanong ko rito at napatingin naman s'ya sakin

"halos lahat ho ata ay natitipuhan ang mga lalaking katulad ni Ginoong Joaquin, isama n'yo pa si Ginoong Javier" sabi naman niya na para bang hangang hanga sa mga binatang iyon

Di naman maitatanggi na sadyang maraming magkakatipo sa dalawang binatang iyon. Bukod sa magaganda ang anyo ng dalawang ito ay sadyang matalino pareho at maimpluwensya ang mga pamilyang kanilang pinaggalingan.

"senorita, tara na ho at mailibot kita kahit papaano" sabi naman nito at inaya na ako maglibot at tinanguan ko lamang ito.

Habang naglalakad kami sa kahabaan ng mga Casa ay biglang nagsalita itong si Belinda na sadyang ikinagulat ko

"senorita!" mahinang sigaw nito sa akin

"ay jusko, ano ha belindaa?!" sabi ko naman dahil sa gulat

"senorita nasa Paseo de Escolta na tayo dahil sinusundan ko kayo" sabi naman niya

"ay ganon ba hehe pasensya na" sabi ko naman sa kan'ya

"ano bang meron rito? Bahay tuluyan?" tanong ko naman sa kan'ya dahil kung panaginip ko man iyong trip namin rito ay bahay panuluyan ito.

"tama ho kayo, ang Paseo de Escolta - gumamit ng luma at bagong materyal upang muling likhain ang mga komersyal na gusali noong unang bahagi ng 1900s sa Maynila. May 17 mga silid, mayroon itong hotel at mga tindahan" sabi naman nito

"pano mo nalaman iyon lahat" tanong ko naman rito

"pala basa rin ho ako ng libro kaya ganon" sabi naman niya habang nakangiti

"maganda iyan para kahit hindi ka nag aaral ay mayroon kang natutunan" sabi ko naman rito

"siya nga pala Belinda, may tindahan ba rito ng mga lasong pantali sa buhok?" tanong ko naman rito dahil gustong gusto ko talaga ng mga laso na pantali sa aking buhok at balak kong bigyan rin itong si Belinda.

Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon