Capítulo Treinta Y Ocho

75 4 0
                                    

Halos mawindang ang utak ko sa mga nangyari noong nakaraang araw na hindi parin pumapasok ang ideya na ipinagkasundo ako ng mga magulang ko sa taong hindi ko naman mahal.

Hindi ko alam kung alam na ni Francesca at Javier ang ukol rito dahil ang ipinagtataka ko ay kung bakit wala si Francesca sa bahay noong mga nakaraang araw na nasa bahay sina Don Amadeo at Donya Celestine at isa pa rin sa ipinag-aalala ko ay si Javier na halos 1 linggo ko nang hindi nakikita.

Naging mabigat ang iniisip at dibdib ko simula noong nalaman ko ang bagay na hindi ko inaasahang mangyayari sa akin dahil nasanay siguro ako na kampante at iniisip lang na hindi nila magagawa ang bagay na iyon sa akin.

Pumapasok ako na dala-dala ang bagay na ito, buti na lamang ay hindi ito gaanong nakakaapekto sa klase ngunit may mga oras na natutulala na lamang ako at iniisip ang mga maari pang mangyari sa mga sumusunod na araw na mas ikinatatakot ko.

"Ms. Valencia, napapansin ko na lagi kang tulala sa klase ko," saad ni Gg. Esguerra

"pasensya na po ma'am, i'll assure you that I'll be active on your next class..." saad ko na tila kinakabahan na.

Napabuntong hininga nalang ito saka sinabing, "okay, okay. Don't disappoint me, i choose you over so many students on this department. Don't loose your sopt on the Dean's list. "

Kinabahan ako sa huling mga katangang binitawan niya, pero hindi ko naman hahayaan na mangyari ang bagay na iyon sa akin.

Ngumiti ito ng bahagya. "And please, inform Isabel that she's also have a spot  on the dean's list. Thank you."

Tumango - tango na lamang ako at ngumiti saka lumabas sa opisina n'ya. Nang makalabas ako ay naroon si Isabel, tahimik na nag-aantay sa akin. Sa kan'ya ko palang sinabi ang mga nangyari sa akin noong mga nakaraang araw na nagpa-init ng dugo n'ya.

"Anong sabi? Pinagalitan ka?" sunod-sunod na saad nito sa akin na nagbigay ng ngiti sa mga labi ko.

"Wala naman, konting sermon lang pero kaya naman." ngiti ko rito saka hinila papunta nang kainan.

" May sasabihin ako sayo mamaya pagdating natin sa kapitirya..." pangbibitin ko rito na nagpalaki nang mga mata n'ya saka ako hinila saka tumakbo.

Iginala ko ang mga mata ko at nakahinga ng maluwag nang makitang walang bahid ng Joaquin o Javier man lang sa paligid.

"Ano na naman 'yan, baka sobrang bigat na naman n'yan ha" pagtataray nito sa akin.

Binigyan ko siya ng ngiti na nagpakunot ng noo n'ya. "Dalawa na tayo sa Dean's list... "

Ang nakakunot n'yang noo ay napalitan ng pagbilog ng mata ng sobra. Bigla na lamang tumulo ang luha nito.

Hindi ako mapakali ng tuloy-tuloy na ang agos ng luha niya. "Hoy, bakit ka umiiyak!" medyo pasigaw kong saad rito na nagpahagalpak ng tawa niya.

"Masaya lang ako, may patutunguhan pala yung pagababasa natin at pagtulog ko sa library..." pagbibiro pa nito sa akin.

Nagtawanan kaming dalawang hang kumakain roon. Payapang kumakain at nagkwekwentuhan sa isang tabi.

Lumalaki ang mata nitong si Isabel at ipinagwalang bahala ko iyon at itinuloy ang pagkain.

May tumakip nang aking mata at napagtanto ko na ito ang isenesenyas nitong si Isabel sa akin.

"Sino 'to?" wala naman akong ideya kung sino iyon, at hindi rin naman ako interisado kung sino 'man iyon, kakabahan pa ako kung si Javier iyon.

Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon