Capítulo Cuarenta

158 2 3
                                    


Sa pagbagal ng oras ay s'yang pagbagal ng pagtakbo ko upang mahagkan si Javier.

Ingay ang nangibabaw sa palaigid. Ingay na nakakabingi. Ingay na nagpatigil ng tibok ng puso ko. Ingay na tila nagbigay ng lahat ng takot sa utak ko.

Ang ibinagal ng pangyayaring iyon ay ang s'yang pagbilis ng paghila sa akin ni Javier pababa. Dahil kung hindi niya iyon naggawa agad baka isa sa amin ang tinamaan ng balang iyon.

"Akala ko matalino kalang, magaling karin palang umiwas kahit sa bala na ng baril.." nanggagaliiting saad nito si Joaquin na makikita mong punong-puno ng poot at galit.

"Ano bang pumasok sa kokote mo ha Joaquin?!" sigaw nitong si Javier saka ako itinayo mula sa pagkakabagsak namin roon sa lupa.

"Ikaw ba namang traydorin Javier!!" wala itong sinasabi na hindi sumisigaw dahil mukhang kaming tatlo lamang ang narito sa lugar na ito.

"Hindi kita trinaydor Joaquin!" hiyaw ko rito habang nakahawak sa braso si Javier. Nanginginig ako sa takot na baka isang sandali lamang ay kalabitin na naman niya ang gatilyo ng baril na hawak n'ya.

"Sige. Maglaro tayo, magbibilang ako hanggang nakatakbo kayo. Pakibilisan ha, baka hindi na kayanij ng pasensya ko..." saad nito saka ibinaba ang baril na s'yang biglang hila ni Javier sa akin papunta ng kotse.

"Isa!"

Muntik na akong madapa buti na lamang ay naalalayan ako ni Javier..

"Dalawa"

May kalayuan pala kung saan nakaparada ang kotse.

"Tatlo"

"Apat"

"Lima"

Punong-puno na ang puso at isip ko ng pangamba dahil ang bilis magbilang ha. Nang lingunin ko si Joaquin ay pinulot na nito uli ang baril saka naglakad sa gawi namin..

Dali - daling sinubukang buksan ni Javier ang pinto ngunit hindi ito magbukas. Nang lumingon kami kay Joaquin ay iwinawagayway nito ang susi ng kotse na dala ni Javier.

"Punyeta, pano yon napunta sa kan'ya!" mura nitong si Javier.

Hinila uli ako nito at nagtatakbo na tila sauladong-saulado ang lugar na ito. Hingal na hingal na ako at tila parang gusto ko nang tumigil.... ngunit hindi ngayon ang oras para mapagod ako dahil patuloy na nagpapatuloy si Javier.

Nakarating kami siguro pa dagat ito, may mga puno sa tabing pabundok at malawak na baybayin na mas nagpabagal ng takbo namin.

"Javier!! Bakit naman sa dagat pa, maabutan tayo lalo ni Joaquin rito!" hiyaw ko rito.

Hindi ito natinag hanggang nakarating kami sa isang kweba kung saan madilim at napakatahimik na mas nagbigay sa akin na kilabot.

Pinaupo niya ako sa isang sulok saka ako tiningnan. Tanging sinag lang ng buwan ang nagbibigay ng liwanag sa mga mukha niya upang makita ko iyon... Mapungay ang mga mata nito na halatang halata mo ang pagod, takot at kaba.

"Magpahinga muna tayo rito saglit...Kaya mo paba?" hinihingal nitong saad sa akin.

"Kaya pa naman... paano napapunta kay Joaquin ang susi?" nagtataka kong saad sa kan'ya na dahilan kung bakit napahawak nalang siya sa sintido para masahihin iyon.

"Hindi ko rin alam, baka noong natumba tayo..." malungkot na saad nito.

"Pasensya na ha, h-hindi k-ko inaasahan na g-ganito ang magigi-"

"Alam ko na may posibilidad na ito ang mangyayari Amalia. Kasama mo na ako rito, hindi ko hahayaan na may mangyari sayong masama. Pangako iyan..." magaralgal ang boses nito na tila gusto ng umiyak. Niyakap ako nito na tila parang wala nang bukas na dadatnan.

Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon