Capítulo Diecisiete

136 8 0
                                    

Halos nabingi ako sa mga salitang lumabas sa bibig ng tatay ni Joaquin.

"mukhang magiging kakumpitensya n'ya si Javier kung gayon" sabi naman ng Ama ni Javier na lalong nagpawindang ng aking utak

"hayaan muna nating magdesisyon itong si Amalia, bata pa naman sila para sa mga ganyang bagay" sabi naman ni Donya Celestine

Napatango na lamang ako sa mga ito at gulong gulo padin ang utak dahil sa kanilang mga pinagsasabi. Nakabalik na kami't lahat sa Casa ngunit hindi mawala sa isip ko ang kanilang mga pinagsasabi

Napagpasyahan kong sa kwarto nalang kumain dahil din sa pagod at ng nakapagpahinga na rin ako. Nagpasya akong maligo muna at magpalit ng damit dahil napakabigat nitong suot ko at pano ko nakakayanan na maghapon itong suot?

Naakyatan na ako ni Belinda ng pagkain at tapos na rin akong maligo kaya't sinumulan ko na ang pagkain dahil medyo gutom na rin at pagod.


Tinipa ko ang aking pagkain at inubos na. Nang makatapos ako ay ibinaba ko na iyon at umakyat muli sa aking kwarto para tingnan ang mga koloreteng nakita ko roon kaninang umaga.


May nakita akong mga paleta ng pangkoloreta sa mata, meron ring panglagay sa pinsge at ilan na para sa labi

"buti nalang di gaanong matitingkad ang kulay ng mga ito" sabi ko naman saking sarili, yung Amelia na pagkatao ko ay di gumagamit ng ganito kaya sana may maganda ang kalabasan.

At muli kong binuksan ang aking bintana para makalangahap ng hangin, medyo malaki ito at may mga kurtina din ito sa magkabilang dulo na nakalulon ng ayos.

Pinasadahan ko ng tingin ang langit na madilim na at napakaraming bituin. Ano ba talagang nangyayari...

Kung ako si Amelia bakit ako narito at kung si Amalia naman ay bakit parang halos totoo yung pangyayari kay Amelia? Napakasakit sa ulo ng ganitong sitwasyon pero kung ano man ang totoo... Sana maayos na....

Napakaganda ng langit at kalmado rin ang dagat na kitang kita ang sinag ng perpektong hati na buwan. Ito ang tanging nagpapakalma ko sa mga ganitong sitwasyon kahit yung katauhan ni Amelia ay ganoon rin.

Buwan at bituin ang sadyang takbuhan ko kapag gulong gulo ang aking utak. Nang muli kong pasadahan ng tingin ang mga Casa ay nadatnan ng aking mga mata ang inosenteng mukha ni Javier.

May hawak itong libro at seryoso roon sa pagbabasa.

Totoo nga bang may gusto ka sakin? Ewan ko sa inyo.

Bumalik na ako sa aking kama pagkasara ko noong bintana at napagpasyahan nang matulog na para naman makapagpahinga na ako.

Nagising ako sa ingay na namumuoo roon sa baba kaya't dali dali akong bumaba kahit di pa ako nakakasuklay. Papaakyat na sana si Belinda ngunit tinanong ko muna ito.

"ang ingay naman ata sa baba" sabi ko naman na halos antok pa

"mga lutuin ho para sa kaarawan n'yo mamayang gabi" sabi naman niya

"ganoon ba, ako na rito sa kwarto roon kana sa baba" sabi ko naman

"ay sige hoo, maligayangg kaarawan ho pala" ngiting sabi nito sakin bago nagtatakbo pababa ng kusina napangiti na lamang ako dahil s'ya ang unang bumati sa akin.

Ikinalma ko ang aking sarili dahil ang Amelia na pagkatao ko ay nadanasan na rin ang oangyayaring ito pero bakit parang kinakabahan parin ako.


Maaga akong nag ayos ng aking sarili ngunit ayos na parang ordinaryo lamang at mga alas tres pa ko mamaya magaayos oara tama lamang sa alas sais na simula ng aking kaarawan.

Fell on year 1960 | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon