Naalimpungatan ako ng marinig ang pangalang iyon ay sadya akong na curious dahil sabi noong si Belinda ay ayun raw ang nagdala sakin rito at ang tingin ko rito ay si Jackson.
Dali dali akong bumaba at tingnan ang kaubuuan ng lalaking sinasabi nila.
Nakasunod sakin itong si Liliana daw ang pangalan, nag ayos ako bago tuluyang bumaba sa hagdan.
Nakatalikod ito ng tingnan ko, matangkad ito, naka polo ito na mahaba na may vest sa ibabaw at nakaslacks ito na itim at itim din na sapatos.
"Infairness ha, gwapo na kapag nakatalikod tingnan nga natin kapag humarap" pagsasabi ko saking utak.
Humarap ito na para bang napakabagal ng ikot n'ya. Nakatulala ako sa gwapo nito at naalmpungatan noong nagsalita ito.
"Amalia" ngiti nitong sabi
"shemayy ang gwapo" sabi ko saking utak at hindi napigilan ang ngiti
"Ikaw si Javier diba?" nakangiti kong tanong rito
"oo naman, ang nag iisang matalik na kaibigan mong lalaki" pagyayabang nito na hindi parin naalis ang ngiti sa mga labi.
"ayos kana ba? Balita ko ay hindi mo maalala maski sina Don Amadeo at Donya Celestine na iyong mga magulang" dirediretso nitong sabi
"oo ganon na nga" napakamot ako sa ulo habang nahihiya
"dapat ako ang iyong konsorte diba?" parang nalulungkot nitong sabi
"eh ang sabi ni Don Amadeo este Ama ay si Joaquin ba daw iyon ang aking konsorte" nagtataka kong sabi sa kan'ya habang pinaupo n'ya ako para hindi ako mangalay
"ang sabi mo sa aking noong nakaraan linggo ay ako ang gusto mong maging konsorte mo sa iyong kaarawan ngunit bakit biglang naging si Joaquin?" malungkot nitong sabi
"sinabi ko? Noong nakaraang linggo?" pagtataka kong sabi
"oo naman" sabi naman nito at nanlumo ako
Iniisip ko bakit nga ba hindi itong si Javier ang naging konsorte ko kundi si Joaquin.
"hayaan mo, magsasabi ako kay Donya Celestine este kay ina na kung pwede ay ikaw na lamang" ngiti kong sagot rito
Napatitig na lamang ito sakin at ganon rin naman ako sa kan'ya ng biglang magsalita itong si Liliana
"huyy, masyado na atang malalim ang inyong titigan" sabi nito
Naalimpungatan naman ako sa salitang iyon.
"mga binibini, ipagpaumanhin ninyong ako'y mauuna dahil may mga gagawin pa ako sa silid aklatan" sabi namann nitong si Javier
Tumango ako at balak na naming umakyat sa kwarto ngunit biglang bumalik si Javier at sinabing
"Aasahan kita Amalia sa Silid Aklatan bukas, alas tres ng hapon" ngiti nitong sabi saka umalis na
Natigilan ako ng marinig iyon at napatanong na lamang kay Liliana
"saan yung Silid Aklatan na sinasabi ni Javier?" nagtataka kong tanong
"sadya ngang nakalimot ka dahil sa nangyari sa iyo kagabi" sabi nito
"malamang magtatanong ba ako kung hindi" bulong ko habang lumilinga ling
BINABASA MO ANG
Fell on year 1960 | ✔️
Historical FictionShe fell asleep. She fall inloveee. She's been used to that kind of life. But how long? © kiamchixx