Dali dali akong bumaba at pinuntahan ang dalawa.
"Liliana, bakit kayo naparito?" nakangiti kong tanong ngunit nagtataka
"eto kasing si kuya Joaquin ay ayaw sa akin magpaturo ng sayaw dahil raw nanonood lang naman ako kanina" aniya ni Liliana
"hindi naman sa ganoon, mas maganda parin yung talagang nag ensayo" sabi naman nito
"ohh s'ya tama na iyan, mas gamay ni Javier ang mga galaw dahil sinusundan ko lamang ito" sabi ko naman
"kung ganoon ay pwede mo ba kaming samahan kay Javier upang madali naming makuha" sabi naman ni Liliana
"sigee, magpapaalam lang ako kay Inay Celia at isasama ko na rin si Belinda kung ayos lamang sa inyo?" sabi ko naman
"ayos lamang iyon" pagkasabi pagkasabi ni Liliana ay dumeretso ako sa kusina para magpaalam kay inay Celia at isama si belinda.
Lumabas na akong kasama si Belinda at nagtungo na kina Javier at saktong ito ay nasa labas na rin. Kinausap ito ni Liliana at tumango ito saka tumingin sa akin kaya't medyo nailang ako at nginitian na lamang din ito
Nagtungo kami sa maluwang na parte nitong Las Casas na katabi ang Ilog. Sinabihan ko si Belinda na maupo muna upang maturuan namin sina Joaquin.
"Javier , kay Joaquin muna ako papareha para makasunod s'ya kahit papaano" ngiti kong sabi
Biglang kumunot ang noo nito at sinabing
"mas maganda kung ang mismong kapareha n'ya ang kanyang makakasayaw para masanay siya. Dito kapa rin sa akin" dirediretsong sabi nito at kita sa mukha ni Joaquin ang pagkadismaya
"kung gayon ay magsimula na tayo" basag ko sa katahimikan
lumapit ako kay Javier at tumango saka nito hinawakan ang aking kamay at bewang. Halos naging malumanay ang sayaw at madaling nakuha ang sayaw at madali kaming natapos.
"ano ang iyong masasabi Belinda?" tqnong ni Javier kay Belinda na sadyang nagpagulat rito.
"uhhh, nakapagaling n'yo hoo pareho" yan lang ang tanging nasabi ni Belinda dahil sa hiya
"kung sa gayon ay ayos na tayo na at tumungo na sa ating kan'ya kan'yang bahay" sabi naman ni Joaquin
Nagsi uwi na kami at inihatid muna kami ni Javier.
"salamat sa pag aabalang ihatid kami ni Belinda" sabi ko naman rito habang nakangiti
"walang anuman, kung gayon ay mauuna na ako" ngiting sabi nito at tumango ako hanggang makaalis ito.
"sa tingin ko ay tipo kayo ni Ginoong Javier" biglang sabi naman nitong si Belinda
"ha? Malaboo belinda, ano kaba" sabi ko naman na oara bang tanggi ng tanggi
"hindi naman ho kasi ganoon kayo tingnan ni Ginoong Javier noon, tila ba ngayon ay punong puno ng paghanga" sabi naman ritooo
"baka naman sadyang ganoon lang Belinda, wag na nqtin bigyan iyon ng kahulugan" sabi ko naman rito
"isama n'yo pa ho yung sa pagpareha n'yo kay Ginoong Joaquin ay ayaw n'ya" sabi naman uli nito na para bang nang iinis na
"hindi naman siguro Belinda" sabi ko naman rito uli
"tara na nga sa loob baka kung ano na namna ang iyong sabihin" pag aaya ko rito
Nakapasok na kami sa loob at wala na uli si Don Amadeo at Donya Celestine. Kaya't napagpasyahan kong umakyat na
BINABASA MO ANG
Fell on year 1960 | ✔️
Ficción históricaShe fell asleep. She fall inloveee. She's been used to that kind of life. But how long? © kiamchixx