(A/N: The story is a fiction only. It is a story from the imagination of the author. If anything had similar to the names of people, places or whatever is unintentional. Sorry for the wrong grammars, spelling, words, typho and etc.) ~cutecakegirl
Chapter 49
Sam POV
"Pare ang sexy ng chick kanina noh?"Naglalakad ako papunta sa loob ng resthouse ng marinig kong nagbubulungan yung mga lalaki kanina. Kaya eto ako ngayon nakikinig sa usapan nila.
"Sino pare? Yung nakayellow o yung nakaviolet?"
"Pareho sila pare. Pero mas Hot yung nakayellow" Nakayellow? Teka! Si Hershey yun ah! Aba! Dukutin ko kaya mga mata nito!
"Agree ako Pare! Pare kaano-ano kaya yun ni Lola Margaret?"
"Baka Apo! Pare tara hanapin natin yung Hot Chick!" Subukan niyo lang. Ako nga hindi makaporma kayo pa. Tss -_-
"Sam!"may biglang tumawag sa akin kaya napatingin ako sa likod. Si Raymond pala.
"Bakit?"
"Si Hershey aalis na"
"Ano? Bakit daw?"
"May problema ata sa bakery niya" may problema sa bakery niya? Ano naman yun? Agad kong pinuntahan si Hershey. Naabutan ko siyang nasa kusina kausap si Marian, Ate Roxanne at Kuya Nate.
"Hershey! Ano problema?"
"Sam, sayo muna si Kevin ha. Kailangan kong puntahan ang bakery ngayon"
"Bakit? Ano nangyari?"kinuha niya yung cellphone niya at ipinakita sa akin ang isang text.
From: 09*********
Ms. Easton! Nagtatago ka ba? Wag mo ng subukan. Nandito kami sa bakery mo ngayon. Hershey, hawak namin ang mga empleyado mo! Bwahahaha
"Sino to?"tanong ko. Sino naman makakagawa kay Hershey ng ganto?
"Wala rin akong ideya Sam. Pero malakas ang kutob ko na siya rin ang nagnanakaw ng pera ng bakery"
"Hershey Sasama ako"
"Huh? Hindi dito ka na lang. Anniversary ngayon ng Lolo at Lola mo para may magbantay rin kay Kevin."
"No Hershey. Sasama ako. Sigurado akong may balak na masama kung sino mang yang taong yan" Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sayo Hershey. Hindi maaari.
"Sam's right Hershey. Baka may gawin pa sayo yan kaya sige na pasama ka na kay Sam. Kami na bahala kay Kevin"sabi ni Ate Roxanne.
"Oo nga Hershey. Para naman may magtatanggol sayo kung sakali mang may balak na masama yang taong yan"sabi naman ni Marian.
"Sige na Hershey. Umalis na kayo. Bago pa may gawing masama ang taong yan sa mga empleyado mo"sabi naman ni Kuya Nate. Tinanguan lang ito ni Hershey tapos dali dali na kaming lumabas at sumakay sa kotse. Hindi na kami nakapagpaalam kayla Lola. Siguro tatawagan ko na lang siya.
Buong biyahe namin nakatingin lang si Hershey sa daan. Ramdam ko ang kabang bumabalot sa dibdib niya.
"Hershey, everything will be fine. Relax"
"Pano ko magrerelax kung nasa kamay ng taong yan ang buhay ng mga empleyado ko"
"Okay Okay. Naiintindihan kita Hershey. Wag kang magalala siguradong may mga pulis narin doon." Hindi siya kumibo. Talagang mahal niya ang mga empleyado niya. Thats one of the reasons why I Love her. She care for others kahit hindi niya naman ito kaano-ano.
*kringkringkring
Nagriring ang cellphone ni Hershey. Sinagot niya ito.
Mira!!

BINABASA MO ANG
Crush ako ng Heartthrob?
Teen FictionSam Hale Enriquez, the Heartthrob. He is perfect. He is sweet, handsome, hopeless romantic, caring, gentleman and etc. In other words, He is every girls dream boy. But only one girl captures his heart, her name is Hershey Easton. Hershey easton is t...