Chapter 33

18.7K 361 12
                                    

(A/N: The story is a fiction only. It is a story from the imagination of the author. If anything had similar to the names of people, places or whatever is unintentional. Sorry for the wrong grammars, spelling, words, typho and etc.) ~cutecakegirl

Chapter 33

Diane POV        

“Girl ang tagal tagal mo naman eh! Nagugutom na ko!” reklamo ni Warren.

 Nakita ko kasi na sale dito sa SAP or Shop and Pack. 70% to 50% sale, nakita ko yung dress na red and yung blouse na floral and its really pretty! I want to buy it! 500 na lang sila pareho! Ihh!! Kaya lang ang haba ng pila sa fitting room at itong si Warren kanina pa nagrereklamo. Nakakainis! Hmmp! Mga taong gutom nga naman!

“Bakla mahaba ang pila maghintay ka”

“Tss balikan mo na lang kaya?”

“Balikan? Pano kung makuha to at mawalan ng stock. Oh?”

“Bayaran mo na!”

“Hindi ko pa nasusukat!” Mamaya eh hindi pala bagay sa akin o kya malaki o maliit sa akin. Napakamainipin naman ng bakla na to oh!

“Another fitting room here!!” sigaw ni Warren habang tinuturo yung dun sa may pulang kurtina. Fitting room? Eh alam ko pinapakita lang kung gaano kalaki yung kurtina? Anong fitting room. Yung mga tao naman takbuhan dun kaya ako na lang natira sa pila. Sakto naman na tapos na yung nasa loob kaya nagsukat na ako. Pero bago ako pumasok, tinanong ko muna si Bakla.

“Bakla anong fitting room?”

“Walang fitting room, para lang mauna ka na at makakain tayo. DALIAN MO NA! AYAN NA SILA!” bigla naman akong pumasok agad sa loob nung nakita ko yung mga tao na nagtatakbuhan palapit sa amin. Warren talaga! Lakas ng Trip! HAHAHAHA

Pagkatapos ko isukat yung mga damit binili ko na agad para makakain na kami at gutom na ang bakla. Nung papasok na kami sa Porky Chickeny restaurant bigla akong napahinto sa nakita ko.

“Girl bakit ka huminto? Tara na!”

“Warren, sa iba na lang tayo. Ayoko dito.”

“Huh? Bakit?”

“Basta! Tara na!” sabi ko tyaka ko siya hinila sa isang restaurant malapit rin sa PC/ Porky Chickeny Restaurant. Habang kumakain kami hindi parin mawala yung mga mata ko kay Sam at dun sa kasama niyang babae. OO sila yung nakita ko kaya ako napahinto. Si Sam may kasamang babae sa PC. Nandun sila nakapwesto sa gilid, dahil salamin yung pader nakita ko yun. Kaya ko naman inaya si Warren na dito na lang kumain sa restaurant na katapat ng PC upang makita ko sila Sam. Nakikita kong nagkukuwentuhan si Sam at yung babae. Tumatawa pa nga siya eh. Mukang masaya siya sa presence nung babaeng kasama niya. Sus! Mas maganda pa si Hershey diyan eh! Pero pag niloko niya si Hershey lagot siya sa akin! I will kick his face! Hmmp!

“Girl ayaw mo ba ng pagkain? Ayaw mo galawin eh”

“Wala lang akong gana Bakla”

“Akin na lang, ayaw mo naman eh” tyaka niya kinuha yung plato ko. Katakawan!

2 weeks na lang graduation na namin ibig sabihin, 2 weeks na lang uuwi na si Hershey. Sana mali lang ang iniisip ko. Haay! Sasabihin ko ba to kay Hershey? UGGHH! Kaibigan ko si Sam, kaibigan ko rin si Hershey. Sasabihin ko pa ba kay Hershey to para mag cause ng away nila, na hindi ko naman alam kung tama ang iniisip ko? I think I need to tell Sarah and Joanne about this first.

“Bakla bilisan mo lalarga na tayo!”

“Sige sige! Extra rice lang ako.” I just rolled my eyes to him. Duh! Gusto niya bang magpataba?

Crush ako ng Heartthrob?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon