Chapter 26

22.9K 448 37
                                    

(A/N:The story is a fiction only. It is the story from the imagination of the writer. If anything had similar to the names of people, places or whatever is unintentional. Sorry for the wrong grammars,spelling and etc.) ~ cutecakegirl

Chapter 26

Third Person’s POV

(A/N: Ang Third Person’s POV ay POV ng Author)

“Hello Dude! Malapit na ako sa bahay ng babaeng gusto ko! Tulungan mo na ko!” sabi ni Patrick kay Sam na ngayon ay nasa CR upang kausapin si Patrick sa cellphone. Habang si Hershey ay abala sa pagluluto ng kanilang hapunan.

“Dude, Once you get there don’t forget to say Good evening. Then, you give her the flowers you bought.” Sabi ni Sam sa kausap na si Patrick.

“Got it! I will use earphones and hindi ko ieend ang tawag para marinig mo yung sasabihin niya tapos tulungan mo ko kung anong sasabihin ko” sabi ni Patrick kay Sam habang kinukuha ang flowers na dala para sa babaeng nagugustuhan. Hindi siya sanay sa ganto dahil first time niyang naattract sa babae usually 2 palang ang naging girlfriend niya at ni isa doon ay hindi niya ginawa ito para mapasagot.

“Okay. GoodLuck Dude!” sabi ni Sam kay Patrick na ngayon ay nasa tapat ng pintuan ng bahay ng babae. Habang si Hershey naman ay naghahanda na ng plato sa hapagkainan ng biglang may nagdoorbell. Agad agad niya itong binuksan at nagulat siya sa taong nasa harap niya.

“Good evening!” sabi ni Patrick sa babaeng nasa harap sabay bigay ng flowers.”Pasok ka” agad namang pumasok si Patrick sa bahay ng babae nung inalok siya nito. “Bakit nadalaw ka?” tanong ng babae kay Patrick. “Dude, tell her na wala lang at gusto mo lang siya makita” sabi ni Sam kay Patrick. Dahil nakaearphones siya narinig niya ito at agad sinunod ang sinabi ng pinsan. “Wala lang. Gusto lang kitang makita” sabi ni Patrick sa babae sabay kindat.

Habang si Hershey naman ay kinakabahan dahil sa dumating na bisita at baka makita ito ni Sam na hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ng CR.

“Ahh ganon ba, gusto mong juice?” tanong ng babae kay Patrick at agad naman itong tumango. Si Patrick naman ay kinakabahan dahil hindi niya alam ang gagawin kapag kaharap niya ang babae. “Dude, ano gagawin ko?” tanong ni Patrick sa pinsan ng makitang malayo na ang babae at hindi na sila maririnig.” Dude sundan mo and make a topic na magiging comfortable siyang pagusapan” sabi ni Sam sa pinsan. Agad itong sinunod ni Patrick at sinundan ang babae sa kusina. “Ahmm kamusta yung project niyo? Hindi ko na kayo nasamahan kanina.” Simula ni Patrick, gaya ng sabi ng kanyang pinsan. “Ok lang natapos namin agad. Ikaw natapos niyo na ba yung sa inyo?” tanong ng babae kay Patrick at agad namang sinagot nito.

Nararamdaman na ni Sam na hindi na kailangan ng pinsan ang kanyang tulong dahil mukang nagkakamabutihan na sila ng babaeng nagugustuhan nito. “Dude, mukang ok ka na diyan, I will end this call na at kanina pa ako dito baka tapos ng magluto ang girlfriend ko” paalam ni Sam sa pinsan at ibaba na niya sana ang tawag ng marinig niyang sumigaw ang babae na gusto ng pinsan. “Patrick!!” hindi niya maibaba ang tawag dahil parang pamilyar sa kanya ang boses ng babae. Inaalala niya ito ng biglang magsalita ang pinsan. “Hershey, why?” Nanlaki ang mata niya sa tinawag ng pinsan sa babae. “SH*T!” Hindi na niya napigilang magmura at buksan agad ang pinto ng CR. Nagulat siya sa kausap ng girlfriend at hindi niya napigilang itulak ang lalaking kausap ni Hershey. Nagulat siya na ang pinopormahan ng pinsan niya ay ang girlfriend niya. Hindi siya makapaniwala na tinulungan niya ang pinsan niya na pormahan si HERSHEY!

Sam POV

“SH*T ka Patrick! Si Hershey ba yung babaeng sinasabi mo?” hindi parin makapaniwalang tanong ko kay Patrick.

“Oo Dude, bakit?” Lalong namula ang muka ko dahil sa inis. GRABE! Tinulungan ko si Patrick na pormahan si Hershey na girlfriend ko! SH*T Sino ba namang boyfriend ang tutulungan ang isang tao para pormahan ang girlfriend niya diba? SH*T TALAGA!

Crush ako ng Heartthrob?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon