(A/N:The story is a fiction only. It is a story from the imagination of the writer. If anything had similar to the names of people, places or whatever is unintentional. Sorry for the wrong grammars,spelling, words and etc.) ~ cutecakegirl
Chapter 31
Hershey POV
“Sheyi!”
“AY KABAYONG MAGANDA!” bigla na lang sumulpot si Jam habang naghuhugas ako ng plato. “Ano ba naman Jam! Bigla bigla na lang susulpot!”
“Sorry na.. hindi ko naman alam na magugulat ka eh” sabay pout na naman. Hay Nako! Nakakasawa na ang pagpapout niya!
“Tumigil ka nga sa kakapout! Nakakasuka!”
“Hoo! Nacucutan ka lang sa akin eh!”
“ANG KAPAL TALAGA!”
“Naman!”
“Hay nako! Dun ka nga muna!”
“Tutulungan na nga kita maghugas sheyi eh”
“Mabuti pa nga” habang naghuhugas kami ng plato biglang tumunog yung cellphone ko kaya nagpaalam ako kay Jam na titignan muna kung sino ang nagtext.
From: Sarah Sexy
Hershey nakita ko si Sam may kasamang babae sa Café Latia.
Babae kasama sa Café Latia? Baka naman pinsan niya lang o kaya kaibigan niya lang. Nilagyan lang siguro ng malisya ni Sarah. Ang babaeng yun talaga! Nagreply ako sa kanya.
To: Sarah Sexy
Baka naman binigyan mo lang ng malisya. Ikaw talaga oh!
After ko magreply pumunta na ako sa lababo para tulungan si Jam sa pagbabanlaw. Habang nagbabanlaw kami bigla namang nagtanong si Jam.
“O sino yun?”
“Si Sarah”
“Oh bakit daw?”
“Nakita niya daw si Sam may kasamang babae”
“Baka naman pinsan o kaibigan niya lang”
“Oo nga eh. Alam mo naman si Sarah masyadong malisyosa” Natandaan ko kasi dati na nakita ni Sarah na magkasama kami ni Jam sa isang restaurant. At ang babaita inakala ba namang kami na ni Jam. Baliw na babae!
“Sinabi mo pa”sagot ni Jam.Tapos biglang tumunog na naman yung cellphone ko.
From: Sarah Sexy
Nakita ko nga yung kamay ni Sam nasa waist nung girl eh. Oy! Hindi ko sinisiraan si Sam ha! Nakita ko lang! Tanong mo na lang kay Sam kung sino yung girl.
Nasa waist?
“Sheyi lalaki rin ako.Malay mo sinuportahan niya lang yung babae.” Nabasa niya siguro yung text. Sabagay…. Teka!
“Pinagtatanggol mo ata si Sam ngayon eh ang pagkakatanda ko mainit ang dugo mo kay Sam”
“Ayaw kasi kitang nakikitang umiiyak, bestfriend kita eh! Baka sa simpleng ganyan umiyak ka na naman. Wag mong lagyan ng malisya, okay?”
“Okay..thanks” Tama naman si Jam. Hindi sa lahat ng bagay dapat kong ikagalit. Hindi ko na lang lalagyan ng malisya.
Sam POV
![](https://img.wattpad.com/cover/23231362-288-k492366.jpg)
BINABASA MO ANG
Crush ako ng Heartthrob?
Teen FictionSam Hale Enriquez, the Heartthrob. He is perfect. He is sweet, handsome, hopeless romantic, caring, gentleman and etc. In other words, He is every girls dream boy. But only one girl captures his heart, her name is Hershey Easton. Hershey easton is t...