Chapter 36

17.8K 349 65
                                    

(A/N: The story is a fiction only. It is a story from the imagination of the author. If anything had similar to the names of people, places or whatever is unintentional. Sorry for the wrong grammars, spelling, words, typho and etc.) ~cutecakegirl

Chapter 36

Hershey POV

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Ang alam ko lang bumalik yung sakit nung iniwan kami ni Dad. Kaya lang mas masakit yung nararamdaman ko ngayon. Minahal ko siya ng sobra. Tapos ganto lang ang igaganti niya sakin? Hindi ko na nakayanan at tumakbo na ako. Pinilit niyang pumasok sa elevator na sinakyan ko pero hindi siya umabot dahil sinara ko na ito. Ang sakit ng ginawa niya! Naniwala na ako noon na hindi lahat ng lalaki manloloko, si Sam ang dahilan kung bakit ako naniwala pero bakit bumabalik lahat ng ibinaon ko na paniniwala? Kasi niloko niya ko! Parepareho lang sila! Pagbukas na pagbukas ng elevator na aninag ko si Sam na tumatakbo mula sa stairs, kaya tumakbo na ako agad sa Parking area. Wala na akong pake sa mga taong nababangga ko basta ang kailangan ko lumayo sa kanya. Ayaw ko siyang makita. Ang sakit sakit! Bakit niya ako niloko? Hindi pa ba ako sapat sa kaniya? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko? Minahal ko naman siya ng sobra ah! Ano pa ba ang kulang sa akin?

Papasok na ako ng taxi ng biglang may humawak sa braso ko at niyakap ako. Amoy pa lang niya, alam na alam ko na. Si Sam. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at akmang sasakay na ng taxi ng narinig ko siyang magsalita at hinawakan ako muli sa braso.

“Hershey, listen to me please.”

“Wala ka ng dapat ipaliwanag nakita ko na ang lahat!”

“Walang ibig sabihin yun” bigla akong napatingin sa kanya.

“Walang ibig sabihin? EH ANO YUNG MAIL NA NARECEIVE KO? DIBA MAY HINALIKAN KA RIN? YUNG KASAMA MO SA CAFÉ LATIA? YUNG KASAMA MO SA MALL? BABAE YUN DIBA? NOW TELL ME! Are you cheating on me?” sabi ko habang umaagos ang luhang ayaw mapigilan. Nakita kong nagulat siya sa huli kong sinabi. Hindi siya siguro akalaing alam ko lahat ng pinaggawa niya. Sinabi sa akin ni Maricar na nakita niya si Sam sa mall may kasamang babae. Nasa arcade daw kasi sila nung Bf niya ng makita niya si Sam. Si Maricar ay pinsan ko sa side ni Mommy. Kilala niya si Sam dahil pinakita ko sa kanya ang picture ni Sam sa phone ko.

“Pinasusundan mo ba ko?”

“WOW! Pinasusundan kita? Bakit ayaw mo bang malaman ko lahat ng kalokohan mo?” sarcastic kong sabi sa kanya.

“Hindi kita niloloko Hershey!”

“Kung hindi mo ako niloloko sino yung babaeng yun?! Pinsan mo? Wow! Naghahalikan pala ang magpinsan” sabi ko sa kanya in sarcastic tone.

“Hershey listen to me first please!”

“Wala ka ng dapat ipaliwanag!” sasakay na dapat ako ng taxi ng marinig ko siyang magsalita ulit.

“Bakit? Ikaw ba wala kang kasama sa mall na lalaki? Si Jam? Ano si Jam? Diba pumupunta rin siya sa inyo? Lagi na lang ba ako? Pag ikaw pwede kang magkaroon ng kasamang lalake. Ganun ba yun? Pag ikaw pwede mong yakapin si Jam? Ganun? Ngayon Hershey, ikaw naman tatanungin ko. Pinagsasabay mo ba kami ni Jam?”

*PAK

Sinampal ko siya. Hindi ko akalain na ganyan ang tingin niya sa akin.

“Hindi ko kayo pinagsasabay ni Jam! Sam alam mo na sa una pa lang kaibigan ko na si Jam! Bago pa kita makilala may Jam na sa buhay ko! Kaibigan ko si Jam! Ikaw lang ang lalaking mahal ko Sam! Ikaw lang! Ngayon sasabihin mo sa akin na pinagsasabay ko kayo? Hindi ko alam na ganyan pala ang tingin mo sa akin. Two timer? Ganun? Sana pala hindi mo na lang ako niligawan at ginawang GIRLFRIEND!” hindi ko na kinaya at pumasok na ko sa Taxi and left him dumfounded.

Crush ako ng Heartthrob?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon