Chapter 13

34.6K 800 51
                                    

Chapter 13 Pick Up Lines

Hershey’s POV

“Hi Ate Hershey! Sagutin mo na po si Kuya Sam!”

“Luh? Girl Sagutin mo na daw!” sabi ni Sarah, nakakabigla naman kasi, Grade 1 students lang kaya ung mga yun! Ano alam nila dun!

Haaay! Kung tatanungin niyo ako kung ano ang Feeling ng nililigawan ng Campus HEARTTHROB, Well, syempre Proud to be! HAHAHAHAHAHA Syempre naman noh! Proud ako sa Itsura ko! Biruin niyo sa dinami daming girls ako ang nakapagbighani sa kanya! Oh diba HABA NG HAIR KO! HAHAHAHAHA Syempre nakakapanibago din, kasi dati halos walang pumapansin sa akin sa school ngayon eh halos LAHAT eh napapansin na ako, pupunta lang ako sa Canteen, May sisigaw na Hershey!! Sagutin mo na Sam!! Meron naman eh Hershey! Haba ng hair mo! Sagutin mo na si Sam!! Yung Totoo sila na lang kaya! Haayy!! Syempre hindi naman sa pinapaasa ko lang si Sam pero gusto ko patunayan niya muna ung sinabi niya.. Well, napapatunayan niya naman gamit ang Sweet Gestures niya, bigay ng flowers, teddy bear, chocolate, pagaalaga sa akin, and ang hindi ko makalimutan eh ung ginawa niya nung isang araw..

Flashback

Papunta kami sa Canteen pagpasok namin may nagblindfold sa akin at pinaupo ako sa isang upuan pagtangal ng blindfold may lalaki na nagbigay sa akin ng AMPALAYA, tapos may pick up lines na

AMPALAYA KA BA?

Kasi kahit anong pait ang naranasan ko, ikaw parin ang sustansya ng buhay ko <3  ~ SH

Alam ko na kung sino siya syempre si SAM! Yiiiee! Sumunod naman Pizza

PIZZA ka ba?

Crust kasi kita eh :) ~ SH

Yiiiee!! Kahit corny siya kakilig parin! Sumunod naman Ice cream, SHOCKS ang dami naman nito!

ICE CREAM KA BA?

Kase Halo-halo ako, pag magkasama tayo, SPECIAL KA <3 ~ SH

Nung una hindi ko gets! Pero nung nagets ko! Yiieee Kakilig sobra! Sumunod naman Noodles!

NOODLES ka ba?

Kasi LUCKY ME :) ~ SH

Ano daw? HAHAHAHA SHET! TAMA NA SAM!! Tapos may nagsalita sa Speaker ng canteen

Alam mo Hershey, Para kang PUZZLE

Kasi nabubuo mo araw ko

Sam! Kahit boses mo lang naririnig ko!! KAkilig na! TAMA NA SAM!! YIEEE

Hershey anong ballpen ba gamit mo?

Ano daw? Ballpen ko?

Hindi kasi kita kayang burahin sa PUSO ko <3

Yiiiieeeeee” sigaw ng mga nasa Canteen

SAM NAMAN EH! KONTI NA LANG TALAGA SASAGUTIN NA KITA!! YAAAHH! SHHH WAG KAYO MAINGAY!!

Hershey para kang pangalan ko

Kasi pag wala ka SINO AKO?

HAHAHAHA OU Corny lahat ng Pick Up lines niya pero kakilig! Maya maya may lumapit na lalaki nakatakip ang Mukha ng Unan! ALam ko na kung sino toh! SI SAM SYEMPRE!

Crush ako ng Heartthrob?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon