Chapter 38

15.7K 333 24
                                    

(A/N: The story is a fiction only. It is a story from the imagination of the author. If anything had similar to the names of people, places or whatever is unintentional. Sorry for the wrong grammars, spelling, words, typho and etc.)~cutecakegirl

Chapter 38

Hershey POV

"Ma'am? Ok lang po kayo?" tanong ni Mira na naging hudyat para magising ako sa pag-iisip kung si Mr. Enriquez at si Sam ay iisa.

"Ahh Mira sino ba si Mr.Enriquez? Ano yung pangalan niya?"

"Ma'am siya po si Sir Hale." Hale? Sam Hale? Malaki ang possibility na si Mr. Enriquez at si Sam ay iisa.

"Ahhh siya ba si Sam Hale Enriquez?"

"Opo Ma'am. Nagmodel rin po siya dati."

"Ahhh"sabi ko na nga ba eh! Si Sam at si Mr. Enriquez ay iisa! Pero bakit niya tinulungan ang bakery? Ayy maykapalit nga pala.

"Ma'am... hindi po sa inuutusan ko kayo ha, pero sana po gumawa po kayo ng paraan para hindi maisara ang bakery. Ako lang po kasi ang inaasahan ng pamilya ko. Kung mawalan pa po ako ng trabaho hindi ko po alam kung saan pa po kami pupulitin. Kaya sana po Ma'am wag niyo po hayaang magsara ang bakery. Hindi lang po ang matatanggalan ng trabaho marami pa po. Ma'am pasensiya na po talaga kung nilagay sa panganib ang bakery" sabi ni Mira na halata mo sa mata ang lungkot at kaba na nararamdaman.

"Ginawa mo lang kung ano sa tingin mo ang tama. Huwag ka mag-alala hindi ko hahayaang magsara ang bakery."

"Salamat po Ma'am"

"Ireport mo na sa pulis ang tungkol sa pagnakaw ng pera natin sa banko"

"Opo Ma'am" Once na lumabas si Mira, kinuha ko agad ang cellphone ko para tawagan si Atty. Lim.

Hello Atty.Lim

Ms.Easton! Napatawag ka?

Atty. Lim nais ko pong makausap ang inyong kliyente bukas.

Hmmm oo naman sasabihin ko sa kanya. Anong oras mo ba siya nais makausap?

Bukas po ng 8:00 ng umaga.

Sige sasabihin ko sa kanya

Maraming Salamat po.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Halong kaba at takot. Hindi ko alam! Hindi ko alam kung handa na ba akong makausap at makaharap ang Sam Hale Enriquez na matagal ko ng ibinaon sa nakaraan.

Sam POV

Maraming Salamat Atty. Lim

Walang anuman Sam.

Binalita sa akin ni Atty. Lim na gusto daw sa akin makipagkita ni Hershey bukas. Papayag na kaya siya sa gusto kong mangyari? Mararanasan niya na rin ba kung gaano ako nahirapan dahil sa kanya? Well, tignan natin bukas.

*kringkringkring

Hello henry!

Sam Hale Enriquez! Hanggang kailan mo pa balak magtago sa amin huh?

Huh? Anong pinagsasabi mo diyan?

Naku! Nagmaang-maangan ka pa! Alam na naming nandito ka sa Pinas! Sinabi sa amin ni Jane!

Tss.Si Jane talaga! Balak ko pa naman kayong sorpresahin.

Naku! Luma na yan pare! Hay Nako! Bukas reunion! Punta ka! Magdala ka na rin ng date mo para partner partner tayo!

Crush ako ng Heartthrob?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon