Kabanata 1

1K 32 16
                                    

Daylight's End

Namumula

Summer came. Tulad ng madalas na nangyayari tuwing mainit ang panahon ay nagpaplano ang mga pinsan ng swimming.

Nandito kami ngayon sa bahay ng pinsan kasama ang iba pa. Sumama na ako dahil wala naman akong ibang gagawin sa bahay. Nasa sala ang iba at nagpaplano habang nanatili naman ako sa kusina kasama si Farah na gumagawa ng smoothie sa may counter at nakatalikod sa akin.

Sa harap ko ay ang plato ng lasagna na pinangangalahatian ko na. Sa tabi naman nu'n ay ang bowl ng iba't ibang prutas na naka slice na. I took a bite of my lasagna at ngayon naman ay strawberry ang pinulot ko at ipinasok sa bibig.

Maingay ang tunog ng blender at tutok sa paggawa si Farah na hindi umiimik. I was enjoying the food when Dreau walked inside the kitchen na nahanap kaagad ang mata ko. He went to get a pitcher of water at habang nagsasalin ay nasa akin ang mata.

He smirked which I returned by rolling my eyes. Narinig ko siya tumawa na ikinalingon ni Farah sa gilid. Kumuha ako ng grapes at raspberry at sabay na kinain. Tumango tango ako sa lasa at hindi na inalintana ang presensya ni Dreau na naglakad palapit sa pwesto ko.

"Nakita mo si Roux? Himala at wala kang buntot ngayong araw... world war ulit kayo?" Tumabi siya sa high chair na bakante at nag ambang kumuha ng prutas ngunit agad kong inilayo ang bowl.

Tumayo siya ulit nang makitang nagsasalin na si Farah ng smoothie sa tall glass niya. Naparami yata ang gawa niya kaya may sobra pa matapos magsalin ni Dreau sa sariling baso.

Nangingisi siyang nagpasalamat kay Farah na hindi gaanong nagsalita at lumabas agad ng kitchen. Bumalik siya sa tabi ko at nag antay ng sagot sa tanong niya kanina.

"Ano nga?" Pilit niya.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Ask his cousins instead. Anong alam ko sa kan'ya." Masungit kong ani.

Hindi ko naman talaga kasi alam kung nasaan iyon ngayong araw. Baka nasa bahay nila at nagsusunog ng kilay.

Kukuha pa sana ako ng lasagna nang wala ng laman ang plato ko. Ang prutas naman ang pinagkaabalahan ko.

"Sa'yo lang naman palagi nakabuntot iyon kaya sayo ko naisipang hanapin. Hindi nga kayo magkasama pumunta rito?" Talagang paulit ulit ang isang 'to.

Ngumisi siya nang makitang napipikon na ako sa tanong niya. Ako yata ang nakitang pagtripan nito ngayong araw.

"Hindi nga! Ba't ba paulit ulit ka? Tawagan mo nalang ng masagot ang tanong mo, kumakain ako, eh!"

"Chill! Ang init ng ulo natin ngayon, ah? Nagtatanong lang naman ako, ang maldita nito." Nagtaas siya ng kamay na parang sumusuko at umatras nang bigyan ko siya ng matalim na tingin.

"H'wag mong ginagalit iyan kung ayaw mong makatikim ng kamao..." Hindi ko namalayan na nasa kusina na rin pala si Zion habang nakapasok ang ulo sa loob ng fridge at parang may hinahanap.

"Parang nagtatanong lang, eh..." Segunda ni Dreau.

Tumayo ako lalo na't hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila. I went to get my own smoothie at bumalik kaagad sa upuan. Patuloy pa rin ang dalawa sa pag uusap.

"Kararating lang nu'n at nagtatanong kung nandito ang amo niya kaya kumilos ka na d'yan..." Si Zion na may pagbabanta ang tinig na ngayon ay nasa cupboard naman ang hinahanap.

Nabitin ako sa lasagna kaya nagtangka akong kumuha ulit at mag init sa oven."Hindi ka ba nabubusog, Gaia? Saan mo nilalagay ang kinakain mo?" Puna ni Dreau at nagawa pang pasadahan ang katawan ko.

DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon