Simula

2K 38 19
                                    

Daylight's End

Simula

Taas noo akong humalukipkip sa malambot na sofa dito sa apat na sulok ng kwartong ito. Ang centralized aircon sa loob ay tila walang nagawa sa init ng ulo na nararamdaman ko ngayon. Imbes na pakalmahin ako noon ay dumagdag lamang lalo na't naririnig ko ang impit na iyak ng bruha sa harap ng ina niya na parang siya ang biktima sa aming dalawa.

She whimpered in a way that irritates me more. Agad siyang dinaluhan ng magulang niya upang usisain ang iba pang galos ng anak niya. Umirap ako nang hindi makayanan ang pagiging artistahin niya.

Nahuli iyon ng matanda na nakasuot ng glasses na sa kaunting galaw ay tila mahuhulog na iyon sa tip ng ilong niya.

Sa ibabaw ng desk niya ay nakasulat sa plate ang pangalan at posisyon niya sa eskwelahang ito. It says principal. She watched be above her glasses at hindi malaman kung anong reaksyon ang ibibigay sa akin.

Bumuntong hininga siya kalaunan at bumaling sa mag ina na masama na ang tingin sa akin na kung wala kami dito sa loob ay kanina pa ako nakatikim ng pisikalan.

But I won't let that happen.

"Hintayin nalang muna natin ang magulang niya, Misis. Mas mabuting pag usapan muna ang problema bago humantong sa gusto niyong mangyari..." Paliwang ng matanda.

Umirap ulit ako. Ito na siguro ang tamang panahon para sabihing pwede na pumuti ang uwak dahil kahit anong paghihintay ang gawin namin dito ay hindi dadating sila Mommy dahil wala sila dito.

They probably heard the news pero malayo sila para daluhan ang anak nila dito. Hindi imposibleng hindi nila natanggap ang tawag ng school dahil base sa boses ng matanda ay mukhang nakausap niya ang magulang ko.

"What? Hindi pa ba sapat ang resulta ng ginawa ng batang ito sa anak ko! Uy, ineng, sagutin mo ang pampaderma ng anak ko tutal ikaw ang may gawa nito sa kan'ya. Nasaan na ba ang magulang mo at ng magtuos kami!" Puputok na yata ang ugat sa leeg niya habang gigil na bumaling sa akin.

Hindi ko alam kung pang ilang irap ko na ito ngayong araw. Ayoko namang magsalita at sumabat sa kan'ya kahit nangangati na ang dila ko dahil alam kong hindi niya magugustuhan ang lalabas sa bibig ko.

"Aba't... may attitude naman pala ang batang ito!" Dagdag niya nang makita ang pag irap ko. I saw her daughter smirking at me na ikinairap ko ulit sa inis. Nahihilo na ako sa kakaikot ng mata sa kacheap-an nila.

Nagpatuloy ang reklamo ng babae na hindi ko na inabala pang ipasok sa tenga ko at naiirita lamang ako sa matinis niyang boses tulad ng anak niya.

Naiinip naman akong gumalaw sa sofa dahil nangangawit na ang pwet ko sa posisyon.

Nagugutom na rin ako at hindi ako nakakain sa cafeteria dahil nga sa nangyari.

Buti nalang at may naisuksok akong chocolates sa bulsa ng palda na naalala kong bigay ng kaklase ko sa'kin kaya iyon ang pinagkaabalahan ko habang naghihintay rin kung sinong pupunta para sa akin.

I was halfway through finishing it when I heard the door creak kaya doon nabaling ang mata ko. Ngumuso ako nang iniluwa nu'n si Roux suot ang seryosong mukha.

Pumasok siya habang nakapamulsa sa suot na pantalon. He went to me when his eyes found mine.

Pinasadahan niya ang katawan ko at naghanap yata ng galos lalo na't pasimple niyang hinaplos ang braso ko ngunit nang walang makita ay bumaling siya sa harap.

"Roux, I didn't expect your presence here..." Nagtataka ang tinig ng matanda.

Nakita kong umayos ng upo ang dalawa at namamangha ang tingin nila kay Roux na nangingibabaw ang pagiging pormal ng tinig nang magsalita.

DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon