Kabanata 33

306 10 3
                                    

Daylight's End

Sign

"Narinig ko ang pag uusap nila. Tutuloy daw siya."

Humalumbaba ako sa mesa at bumuntong hininga. Farah stared at me. Nagpatuloy ito sa pagkain habang tinititigan ko ang akin sa harap.

Napaayos rin ako ng tayo nang dumating si Tita na malawak ang ngiti at nakabihis. She looked shocked seeing me pero nakabawi rin. She smiled and caressed my face affectionately.

"Nandito ka pala! Mabuti naman para may kasama itong pinsan mo at malibang. Puro nalang libro ang kaharap kulang nalang ay maduling kakatitig."

"Mabuti nga may anak kayong masipag mag aral..." Nakangusong sagot ni Farah.

"Farah, anak, hindi ka naman namin pinagbabawalan ng Papa mo magliwaliw minsan." Bumaling ito sa anak at hinalikan ang pisngi.

"Aalis kami sandali ng Papa mo. May pagkain sa kusina. Gaia, dito ka muna, hm?"

"Opo, Tita." Ngumiti ako. Pareho naming itong sinundan ng tingin hanngang sa makalabas ng kusina.

Farah scoffed and rolled her eyes. Inirapan ko rin ito nang magtagpo ang tingin namin. Akala siguro ng magulang nito isang anghel ang anak nila. Ang matamis na ngiti nito kanina ay dahan dahang nawala nang mawala sa paningin namin ang ina nito.

"Hindi ka pala pinaghihigpitan ba't naghahakot ka ng mga libro sa kwarto mo?" Ginalaw ko ang spaghetti at inikot ikot sa tinidor. Kung ako ang may ganoong kaluwag na parents ay baka hindi na ako umuuwi sa amin. My parents isn't that strict pero hindi rin naman ganu'n kaluwag.

H'wag ka lang papahuli sa kalokohan mo.

"Tinatamad akong lumabas lately." Walang kaabog abog na sambit nito.

"Bakit?"

"Kailangan lahat may sagot?"

"Eh, bakit nga? Kung ako sa'yo sinulit ko na ang pagkakataon." Kibit ko.

"Sorry ka ako 'to, eh. Hindi ikaw."

"Kaya nga sabi ko kung sakaling ako ang nasa kalagayan mo!" Umirap na ako sa kabobohan nito.

"Whatever,"

Tumayo ako at naisipang mag init ng pagkain na nakita kanina sa ref. Hindi ko trip ang binigay na pagkain kaya... Inilagay ko iyon sa microwave matapos ilagay sa plato.

"How do you do this?" I asked while staring at the closed microwave. Maraming buttons iyon pero may label naman. Hindi ko lang alam kung ano ang iikutin ko.

Napapantastikuhan naman niya akong nilingon. Mayabang itong tumayo at tinitigan rin ang microwave, nakapiko ang dalawang kamay sa dibdib.

"Wala ba kayo nito sa bahay niyo?" Nang iinsulto ang boses nito. Inikot niya ang itaas at itinapat sa high heat na label.

"Ito para uminit ng mabilis." Aniya.

Umirap ako. She did the same thing on the other one at nagsimula ng umikot ang pagkain sa loob. Sinilip ko iyon at naamoy kaagad ang aroma ng pizza.

Ganoon lang pala iyon.

"Hindi ba masyadong matagal ang five minutes?" Ang pagkakaalala ko ay mabilis lang ang pizza.

"'Di iyan. Ganyan ang nakikita ko sa mga katulong hindi naman nasusuno—"

Nagkatitigan kami nang may pumutok sa loob saka naamoy ang nasusunog. Napatalon kami pareho nang tumunog ang smoke alarm sa buong bahay. May lumalabas na ring usok roon kaya napasigaw ako.

"It's burning!"

"Oh my gosh! Manang... call Manang, you bitch!"

Nagmamadali akong umikot upang makalabas ng kusina but manang came in view at nanlalaki ang matang tinignan ang umuusok na kusina.

DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon