Daylight's End
Napapanis
Linggo sa umagang iyon ay nagbihis ako ng isang puting bestida para sa lakad ngayong araw.
I put some gloss on my lips and smiled in front of the mirror like some idiot. Mabilis ko lang inayos ang buhok at naglakad na palabas ng kwarto.
Rouxe:
I'll see you later, then.
Pinigilan ko ang ngiti at ang umaapaw na excitement. Isinuksok ko pabalik ang phone nang maramdaman ko ang mata na nakatingin sa rearview mirror.
Ipinagsawalang bahala ko iyon. Nasanay na sa mapagmata nitong tingin palagi ngunit hindi naman na nang uusisa tulad ng nakaraan.
Rouxe were planning to take me out on a date after this kaya naman nag ayos ako ng akma sa pupuntahan.
I don't remember the last time I got to church with my family pero ngayon ay mistulang nag iba ang hangin dahil sa pagsama ko. Maganda ang sikat ng araw at makulay ang paligid na nakikita sa bawat kanto ng simbahan at masayang mga bata na nagtatakbuhan. Buhay na buhay ang umaga at ramdam iyon kahit na noong makalabas kami sa pagtatapos ng misa.
I prayed and thank Him for giving me such a wonderful family. For giving me a reason to live. For giving me my own happiness. I prayed for everyone close to me their good health and everything.
Nakilala man akong isang maldita at natatawag na demonyo sa ugali ay hindi ko naman nakalimutan ang nasa itaas. Hindi naman nagkulang sa pagpapalaki ang magulang ko at lahat ng iyon ay natutunan ko. Pero hindi nga lang nakikita sa panlabas na anyo kaya ang iba ay may nasasabi.
Unexpectedly, nakita namin ang magulang ni Rouxe nang papalabas na. They both went to my parents matapos bumati sa'kin. I found him behind kausap ang nakatatanda nitong kapatid at parehong seryoso ang mga mukha at kumikibot ang mga labi. Hindi pa nila kami napapansin kaya malaya kong natitigan ang boyfriend.
I blushed with our label.
Paminsan minsan ay tinutungo nito ang phone sa kamay habang nagsasalita ang kapatid. They're both tall at nangingibabaw ang foreign features na akala mo isang turista na napadpad lamang dito sa simbahan. While Rouxe has long dark hair, his brother, Karlous has a clean cut that suits him well. Casual lang ang mga suot nito pero agaw pansin parin sila at naiiwan pa ang mata lalo na ng mga kababaihan.
Nagbawi ako ng tingin nang magbeep ang phone sa bag.
Rouxe:
Quit staring at my brother. Hindi siya ang boyfriend mo.
Nag angat ako ng tingin only to find him walking out from his brother na nagtataka ang tingin na sinundan ang likod nito. Iritado nitong hinaplos ang buhok paatras at hindi lumingon nang tinawag ng kapatid.
So mean...
"Bawal sumimangot kapag galing kang simbahan..." I joked just to lift up his mood.
Nakita ko ang pagpipigil nitong lumapit ng mapagtantong kasama namin ang parents ko. He clenched his jaw which I returned with my raising brows. Tumawa ako at nilingon rin sila na hindi matapos sa pinag uusapan.
Mabilis lamang sumulyap si Daddy sa'min at nagtagal iyon sa kasama ko.
Sa huli ay hinila ko ito sa nagtitinda ng cotton candy at doon tumambay. Tinignan ko kung paano iyon ekspertong ginagawa ni manong at mukhang sanay na sanay sa trabahong ito.
Natakam ako sa itsura nitong parang clouds sa lambot at magandang kulay na paborito ng mata ko.
"Salamat manong!"
BINABASA MO ANG
DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)
Romance"Like a rubber band, no matter how far you try to take a step away, in the long run, you'll end up with me."