UNSEEN

531 24 6
                                    

Rouxe Ian Galvez

Daylight's End

I grew up being certain of what I like. Alam ko kapag sinabi kong gusto ko ang larong football. Sigurado ako sa mga bagay na ginagawa ko. Ni minsan hindi ako nagsisi sa mga piniling daan, desisyon at mga gusto ko sa buhay. Namulat ako sa kaisipang lahat ay pinaghihirapan upang makuha.

And I never did regret choosing Gaia as my girl, my woman and now my wife.

We may have been challenged by fate in the long run but I never gave up on her. It never crossed my mind. Bakit ko bibitiwan ang taong nagpapasaya sa'kin? Nagbibigay buhay at rason upang harapin ang panibagong umaga kasama siya?

Damn. I'm so fucking whipped!

"Exhale, son. Baka mahimatay ka bigla d'yan." Si Papa na nanunukso ang tingin sa tabi ko.

I wanted to cry in happiness. This is what I dreamed of. Her, walking down the aisle in that white beautiful dress and me waiting for her in front. Itinawa ko ang luhang umagos sa pisngi. Hindi nilulubayan ng tingin ang pinakamagandang babae para sa'kin.

Nanigas ako sa kinatatayuan nang tumigil ito sa kalagitnaan. I felt my blood drained from my face. Narinig ko ang mahinang tawa ng ama ko. Lumunok ako nang inayos lamang ang mahabang dress niyang natatapakan ng kaunti.

Fuck.

Lahat nalang kahit maliliit na bagay sa kan'ya ay napapansin ko. Lately, I'm trying to understand her mood swings. Sometimes she gets emotional of weird things. Naalala kong may tiniris akong langgam sa mesa na sinusundan niya pala ng tingin kaya nanahimik noong araw na iyon. She got mad so I slept in the guestroom. Kaya ngayon ay nag aalala akong baka maisipan niyang tumakbo pabalik dahil trip niya lang.

I'm sensing our baby will be as stubborn as his Mom.

Naluluha akong tumango ng marahan at ngumiti pabalik. Oh god... she's already crying under that thin veil. I know, baby. I love you more than the world may know.

Every steps she takes brings me back to where we once before.

"Come on, Rouxe. We'll be late. Change your clothes, baby!" Narinig kong sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto.

Initsa ko sa kama ang ginagawang assignments noong gabing iyon at nagtungo sa pinto. My mother welcomed my sight.

"I'm fine here, mama. Kayo nalang po ni Papa ang umalis..." Tanggi ko.

I hate crowded places. Mas gusto kong ilaan nalang sa mahalagang bagay ang oras ko kaysa sa mga party. And that means do my assignments. Nang marinig kong may pupuntahan silang birthday party ng anak ng isa nilang kaibigan ay umayaw na ako. Ngunit mapilit si Mama at wala namang nagagawa si Papa doon.

"No. You're coming with us. Your cousins will surely be there too! Kaya sige na, hm?" Pilit pa niya.

I sighed in defeat. She kissed my head before closing the door. Naghanap ako ng pwedeng masuot at buong biyahe ay tahimik lang akong nakaupo sa likod habang naglalambingan ang mag asawa sa harap.

When we reached the house. Parang kaunti lang naman ang mga batang nakita ko at puro mga kaedad ni mama at papa ang karamihan roon.

"Ba't wala kang dalang regalo?" Si Chance na sumalubong sa'kin pagkapasok ko sa bahay ng mga Vera.

"Pinilit lang ako ni mama sumama, eh." Simple kong tugon.

Hindi na siya nasanay na dumadalo ako sa mga birthday ng walang dalang kahit ano maliban sa sarili. Palagi lang naman akong binibitbit ni Mama kung saan ang lakad nila.

DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon