Daylight's End
Nahawakan
Hindi maalis alis sa isip ko ang nakita sa katawan nito kahit noong umalis ako ng araw na iyon.
I just can't get over the fact that he almost died serving the country. That he's willing to catch a bullet no matter what.
Paano naman ako kung sakaling... What if he didn't survived? Mag aantay pala ako sa wala nung mga oras na iyon.
"Don't think about it too much. It was all in the past now. Ang mahalaga ay humihinga pa ako ngayon..." Nagawa pang magbiro ang siraulo.
Natauhan lamang ako sa pag iisip nang may humila ng kamay ko at niyugyog ng bahagya. I looked down on it and saw Isabelle pouting her lips.
"We're left behind, Tita..." Aniya bago tumuro sa kasama namin na nauuna nga at malayo na ang agwat sa'min.
"Oh!" I laughed and walk my feet forward.
Ngayon lang yata napansin na nahuhuli kami kaya bumalik ito at nahihiyang ngumiti sa'kin.
"Hala! Pasensya na hindi ko namalayan..." She apologized which I returned a small smile.
Nagtagal pa ng ilang segundo ang mata ko sa kan'ya dahil sa simple niyang tignan ngunit mapapatitig sa angking ganda nito. She was just on her shirt and jeans but her curves were visible. Siya ang tipo na hindi nakakasawang tignan kahit ilang beses mong titigan. She seems carefree and innocent looking.
Wala ring kahit anong kolorete sa mukha at lahat ay natural. Ganoon yata kapag laking probinsya. Ito ang bagong Nanny ni Isabelle at kwento niya ay tinutulungan daw ito pati sa assignments niya.
"You're spacing out again, Miss. Did Papa scold you again?" Nanlaki ang mata nito at biglang namutla sa sinabi ng bata.
Zen scold her? Parang hindi naman kapani paniwala. I have never seen him mad before. Nakilala ko itong palaging magaan at mabait. Or maybe years had changed him.
Only that, he's still the same to me.
She glanced at me and waved her hands.
"Ah, hindi iyon totoo ma'am. Ano, kaunti lang..." She showed me her index and thumb. Awkward ang mukha.
"Bakit?" Hindi ko na napigilan ang sariling bibig nang lumabas iyon bigla.
Pinaglaruan nito ang mga kamay at kinagat ang labi. Pipigilan ko na sana at baka ayaw niya but she opened her mouth already.
"Naligaw kasi ako pauwi kaya nagabihan sa daan. Buti nalang nakilala ako ng kaibigan ni Sir at nagmalasakit na ihatid ako. Tapos iyon... hindi ko yata naisara ang gate kaya napagsabihan ako. Nakakatakot pala si Sir magalit..." Umangat ang kilay ko sa kwento niya.
Ibinaba ko rin agad nang masindak ito. Akala siguro ay nagtataray ako.
That's new...
"Hayaan mo na. Mabait iyon kapag nakilala mo. Baka pagod lang sa trabaho kaya..." Akma pa itong may sasabihin at mukhang kokontra sa sinabi ko ngunit piniling itikom ang bibig.
She only nodded. Bumitaw si Isabelle sa'kin at kumapit sa kan'ya.
"I'll treat you instead po so you won't feel bad!" Hinila niya ito papunta sa stall ng ice cream.
Huminto ako nang marinig ang pagring ng phone ko. An unknown number showed up. Pinatay ko iyon dahil hindi naman nakaregister. Tumunog ulit hindi pa man naibababa. My forehead creased but I didn't answer it hanggang sa mamatay ang tawag.
A message from the same number showed up after.
Unknown Number:
Where are you?
BINABASA MO ANG
DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)
Romance"Like a rubber band, no matter how far you try to take a step away, in the long run, you'll end up with me."