Daylight's End
No one
Warm breeze embraced me as soon as I stepped out of the plane. Malayo sa nakasanayang presko at malamig na panahon. Malayang isinasayaw ng hangin ang mahigpit na pagkaka-high ponytail ng buhok ko sa likod.
I squinted my eyes due to the raging sunlight above. Kinuha ko ang aviator at sinuot sa mata.
I held my head high despite the stares people were giving me. Hinila ko ang dalang luggage palabas ng airport habang sa kabilang kamay naman ay ang hinubad na blazer jacket.
Humalo ako sa mga nag aantay rin ng masasakyan. Drop of sweats starting to form on my temple. A car stopped in front of me. Lumabas si Manong na may malawak ang ngiti. Ang buhok ay may humahalo ng puti. Automatically, a smile broke my lips.
"Manong!" I waved. Lumapit ito at kinuha ang bagahe ko.
"Pasensya na. Natagalan yata ako." Nagkamot ito ng ulo at binuksan ang pinto ng kotse. Ang mukha ay namamangha. He tilted his head to look at me closely."Malinaw pa naman ang mata ko pero hindi kita nakilala kanina! Akala ko isang artista ang nakatayo rito!"
Natawa ako at umiling sa pambobola nito.
"H'wag niyo na po akong bolahin. May binili akong pasalubong para sa inyo pati ng mga anak niyo, Manong." Pumasok ako at inayos ang sarili sa loob. Humalakhak ito habang pinaandar na ang sasakyan.
"Aba'y totoo ang sinabi ko kahit pa walang pasalubong. Ang laki nga ng pinagbago mo at mas lalo ka pang gumanda! Paniguradong pipilahan ka na naman ng mga manliligaw mo kapag nakita ka!" Aniya.
Ngumiti lamang ako sa turan nito at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana. I opened the window and feel the warmth of the city. Mabilis na lumalampas ang mga sasakyan at nakikipag unahan sa bawat isa.
Not less than an hour when the car entered a very familiar subdivision. For a moment there, I felt so foreign. Like this was never my home before. Nanibago ako at hindi agad nakaadjust ang mata sa mga pagbabagong nakita sa mga kalapit na bahay.
I straightened my back when I finally had a glimpse of our home. Pumasok ang sasakyan sa loob matapos pagbuksan ng gwardya ang mataas na gate. Kumalabog ang dibdib ko sa excitement nang tuluyang tumigil ang sasakyan.
Pinagbuksan ako ni Manong bago pumunta sa compartment ng sasakyan para kunin ang mga gamit ko. Tiningala ko muna ang bahay na tila hindi nabawasan ng ganda. Na sa tignin palang ay mararamdaman mo na ang salitang comfort, security and home. Bumuga ako ng hangin. Pati ang mga halaman sa gilid ng bahay ay halatang alaga at mayabong.
Tumutunog ang takong ng sapatos ko sa bawat hakbang. Maya maya lamang ay nangibabaw ang mas malakas na tunog ng ibang sapatos na tila tumatakbo.
"Oh my goodness! Our baby has finally arrived home!"
Napaangat ako ng tingin sa may hagdan kung saan ko narinig ang malakas na boses. Mommy, in her long white sundress, still looking so young and beautiful, ran down the stairs holding the hem of her dress.
"Careful," my father who seems to be worried behind her. Hindi naman nagpaawat si Mommy at tumakbo na nang marating ang huling baitang.
Nangibabaw ang tawa ko nang dambahin niya ako ng yakap na parang hindi kami nagtawagan kahapon. She pulled away and scanned my body, awe was written all over her face.
"You've grown so much, anak! Parang hindi ganito ang huling kita ko sa'yo! Look at you now..." Naluluha niyang sambit na tila hindi makapaniwala.
"I missed you, Mom." Nangingiti kong ani.
BINABASA MO ANG
DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)
Romance"Like a rubber band, no matter how far you try to take a step away, in the long run, you'll end up with me."