Daylight's End
Confrontation
Kagat labi ko itong tinignan nang mapagtanto ang resulta ng ginawa. I didn't even realize na nakahubad na pala ito at wala ng pang itaas na damit.
The first three buttons of my blouse were opened revealing half of my chest at kung hindi pa ito tumigil ay hindi ko alam kung saan kami aabutin.
At kung nangyari man iyon ay sigurado ako sa sarili at wala akong pagsisisihan.
He looks stiff and dark with his usual serious expression habang papasok sa restaurant na madalas naming kainan. Mukhang hindi pa ito makapaniwala na halos hubaran na ako nito sa loob ng sasakyan niya kahit kabaliktaran nu'n ang nangyari kaya pinaparusahan ang sarili sa sariling paraan. Ewan ko sa kan'ya kung ba't mas apektado pa ito sa'ming dalawa. Wala namang kaso iyon sa'kin dahil tulad ng sabi ko, wala akong pagsisisihan. He's my boyfriend at tingin ko natural lang iyon sa aming dalawa.
I'm not naive when it comes to it at nababanggit rin iyon kadalasan ng mga kaklase ko mapababae man o lalaki. I heard enough of their stories so I guess it's quite normal for us too. May iba nga d'yang kahit walang relasyon ay ginagawa iyon kami pa kaya.
Now, I sound like I'm trying to initiate that thing to happen.
"Ayaw mo bang hinahawakan ko ang pandesal mo?" Iyon siguro ang nagtrigger sa kan'ya para umabot kami sa ganu'n. I was never so touchy so that might be it.
Umangat ang sulok ng bibig nito.
"Damn, your mouth..." Naiiling na bigkas nito.
Sinubo ko ang steak at doon naramdaman na gutom pala ako at hindi pa nagl-lunch. I grinned at him.
Maaga pa pero dahil maikli lang ang lunch break nila ay bumalik kami sa loob ng school. I don't have a choice but to walk back to my classroom at doon magpalipas ng oras. Si Farah ay nakita ko kanina sa may cafeteria kasama ang pinaplastic nitong mga kasama niya kaya hindi ko nalang tinawag.
Empty hallways is what welcomed me. Nasa baba lahat ng estudyante at tahimik na tanging sapatos ko lamang ang naririnig na ingay. Scenes from a typical horror movies suddenly scares me. Iyong kapag tahimik na ang lugar ay saka lilitaw ang multo.
Damn it!
Imbes na dumiretso sa classroom ay nagtungo ako sa restroom ng palapag na iyon. Shaking off scary things out of my head. Tinatakot ko lang ang sarili ko.
Pero wala na yatang mas ikakatakot pa ang mukha ng kaklase kong lalaki nang madatnan ito sa girl's restroom. My mouth parted as I scanned him from head to toe. Stunned enough to see him standing inside while facing the mirror.
Nagkatingin kami sa salamin.
"Bakit ka nasa girl's..." I trailed off. Hindi mahinuha kung bakit pero may kaunting hinala na.
"N-Nagsalamin lang! Wala kasi doon sa kabila kaya pumasok na ako d-dito!" Startled, he fixed his... makeups?
Natawa ako sa nakita at pinulot ang nahulog sa sahig. Tinitigan ko lapis na pangkilay sa kamay.
"Woah. You're gay!" Medyo napalakas ang pagkakasabi ko kaya mabilis niya akong sinenyasan. Pinanlakihan niya ako ng mata at iminuwestra ang daliri sa bibig.
Napatingin naman kami sa pinto nang gumalaw ang knob kasabay ng pagpasok ng dalawang babaeng nagtatawan ngunit nang makita kami ay kapwa nagulat at walang pasabing isinara pabalik ang pinto.
"P-Pasensya na!"
"Patay ka..." Pananakot ko sa kan'ya. Paniguradong may hinala na rin iyon at hindi magtatagal ay kakalat sa buong school. Knowing these nosy students...
BINABASA MO ANG
DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)
Romance"Like a rubber band, no matter how far you try to take a step away, in the long run, you'll end up with me."