Kabanata 31

315 11 1
                                    

Daylight's End

Dare you

Hindi ko ininda ang sakit sa lakas ng palakpak na iginawad ko para sa kan'ya. Kahit ang mga katabi ko ay napapatingin sa akin dahil kulang nalang magmukha akong penguin sa mabilis na palakpak.

Nang matapos ang speech nito ay agad itong bumalik sa upuan niya. Ibinaba ko ang camera na halos mapuno na kakakuha ng mga litrato. Before he took his seat, sumulyap muna ito sa'kin at umangat ang gilid ng labi. I saw him say 'I love you' to me. I winked playfully and blew him a kiss. Umuga ng marahan ang balikat nito bilang pagtawa at umiling sa sarili. I giggled and captured that smile.

Hindi yata kumukupas ang kagwapuhan nito at habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo lamang itong nagiging attractive.

"Ang lagkit naman ng tinginan niyo! Pwede na kayong gawing pamalit sa glue." Bulong ni Wallace sa tabi ko na umiirap.

"Simpleng glue lang? Hindi shoe glue?" Gatong ko at humagikhik.

"Ay, ang landi. Gusto pang sobrang dikit!"

Hindi ko na ako tumugon at mas pinagtuunan ng pansin ang mga kuha ko. His facial features never failed to amaze me. Nakatagilid ito kaya nakikita ko ang panga nitong walang kasing talim, seryoso ang mukha, ang madilim na mata, tulis at taas ng ilong, ang manipis at pulang labi na tila nang aakit. He just... looks perfect.

Natauhan ako paninitig ng sikuhin ng katabi. Baffled, I raised my gaze only to find my friend gesturing me to stand up.

"Ikaw na gaga!"

Ibinigay ko ang camera at nagmamadaling tumayo. I walk ahead with my head up high and smiled. Nang matanggap ko ang parangal ay sandali lang akong nanatili sa entablado at bumaba rin. Sumunod naman ang katabi ko at ibang kaklase. Ang palakpakan ay naghahari sa kabuuan ng event at kan'ya kan'yang suporta sa bawat tutungtong at tatanggap ng parangal.

Another year had passed and I can't be thankful enough that I survived my freshmen year. Now that I am in my second year, I felt all the pressure they were talking about hindi pa man nagsisimula ang totoong hamon.

On the other side, I thought about not seeing Rouxe here completely. He'll be at work most of the time and that's making me sad. Nagpakawala ako ng buntong hininga.

Napabalik ako sa sarili nang kunin nito ang atensyon ko sa pamamagitan ng pagpisil ng kamay kong hawak niya. Nag angat ako ng tingin at sinalubong ang kunot noong mukha nito.

"What's with a sigh? What's the problem?"

Kumurap ako sa paninitig rito. Umiling at ngumiti lamang. Tinignan ko ang kamay naming magkahawak at hinigpitan ang kapit. My fingers can barely even seen with his long ones that were dominating mine.

"Nothing... masaya lang ako para sa'yo. I'm sure Tito is very glad to have you in the company." Pumasok kami sa building kung saan ang condo nito. Tumango lang ito ng bumati ang guard sa may pinto.

Napapatingin sa kan'ya ang mga tao sa lobby lalo na ang natulalang babae sa reception area na sinundan pa ng tingin ang pagpasok namin sa elevator.

"And?" Bumalik ang tingin ko sa kan'ya.

"And I'm sure you do, too. I remember you said you like to build buildings and houses. That's what your company do, right?" Ako na ang nagtipa ng passcode nito sa pinto at pumasok.

His modern bachelor style condo looks majestic and very pleasing to the eyes. Mukhang penthouse nga ang kinuha nito kung hindi ako nagkakamali.

Tumango ito at hinubad ang suot na polo. Sinundan ko ang isa isa nitong pagtanggal ng butones hanggang sa dahan dahang hubarin sa katawan. His rippled back showed that made me think of a wordly things. I bit my lip when my face heated.

DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon