Kabanata 42

333 15 2
                                    

Daylight's End

Date

"Hindi ka magpapahatid kay Noel?" Tukoy niya sa driver.

"No, Dad. I can drive myself there. Atsaka maghahanap pa po ako ng condo building sa malapit." Paliwanag ko.

Malakas na buntong hininga ang kasunod kong narinig. Mom's shoulder sagged.

"Isn't it too early for you to move out? Kakarating mo lang tapos aalis ka rin agad. Malaki naman ang bahay natin, anak..." She bargained. Hinaplos naman ng ama ako ang likod nito bago ipululot ang mga kamay at bumulong.

She's a clingy type of a mother. O baka dahil gusto lang nito na manatili pa ako ng ilang araw dito. It's not that I don't want it here or I'm avoiding someone who frequently comes here, I don't really care anything about that guy. He doesn't matter anymore. Ang gusto ko lang naman ay ang magkaroon ng sariling condo.

Kung dati ay napipigilan pa ako nito sa mga desisyon ko, ngayon ay tila wala na itong magawa. Well, it's because I'm old enough to be independent.

Ginamit ko ang libreng sasakyan ni Dad sa garahe at tinungo ang address kung saan nakatayo ang magiging coffee shop ko. He said ilang linggo nalang ay matatapos na ang construction at natutuwa akong malaman na napabilis ang paggawa nito.

Hindi naman ilang palapag ang ipapagawa ko kaya dapat lang na mabilis ang pagtayo.

Nang marating ang address ay itinigil ko ang sasakyan sa gilid at tinignan ang busy mga trabahador. It's quite wide enough space that can accomodate a group of people at hanggang dalawang palapag lamang tulad ng gusto ko.

Satisfaction passed my face. Maganda rin ang pagkakagawa at tingin ko kapag tuluyan ng maayos ang lahat ay maganda ang kalalabasan.

Some of the men stopped from what they're doing when I opened the car's door. Isinuot ko ang shades dahil sa tirik na araw at para na rin matitigan ng maigi ang lugar.

"Iyan na ba ang may ari? Artista ba 'yan? Ang ganda ni Ma'am..."

"Hindi. Parang modelo ata," umabot sa pandinig ko ang usapan ng iba.

May narinig pa akong nahulog na kung anong bakal na gumawa ng ingay at umalingawngaw sa lugar. Gumagawa ng ingay ang mga kagamitan nila at medyo maalikabok rin sa bawat galaw.

May tumakbong tingin ko'y may posisyon rito galing sa nakatayong tent sa malayo kung nasaan rin ang ibang naroon. Supervising the work probably. Humahangos ito bitbit ang itim na payong.

"Ma'am! Hindi kayo nagpasabing bibisita rito para nakapaghanda kami agad ng makakain!" He neared and shade me with the umbrella from the raging sunlight. Umangat ang kilay ko sa kan'ya. He looks like on his early twenties at hindi nalalayo ang edad sa'kin.

"No, thank you. Sandali lang ako rito. How is it going?" I asked. Humalukipkip ako at inikot ang mata sa kabuuan. Sa gilid ng mata ay nakita ko ang paninitig nito at natagalan sa pagsagot.

Bumaling ako rito na ikinatalon niya ng bahagya.

"T-The construction will be through before this month ends. Siguro ay ilang linggo lamang ay tapos na ito. We have quite a strict co-Engineer when it comes to implementing rules kaya smooth ang daloy ng trabaho at mabilis. We don't want to disappoint our client, right Ma'am?" He grinned. Obviously flirting with me.

Umangat ang gilid ng labi ko. Mixing work with personal interest. Very unprofessional.

Nalipat ang tingin namin sa bagong dating. Nauna pa ang pabangong nakalapit na pamilyar sa akin. Bumaba ang ngisi ko nang masulyapan ang madilim na panahon sa mukha nito. His long stride were heavy so as his eyes that were directed at us. Nangungunot ng husto ang kilay.

DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon