Daylight's End
Work
Mabilis na lumipas ang panahon. Sa sobrang bilis ay hindi ko na namalayan ang segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon na nagdaan sa harap ko. Ang paglubog at litaw ng araw.
I wasn't able to grasp every bit of it at natangay nalang na parang hangin. Natangay sa mga bagay na nagpapasaya sa'kin. Kinalimutan ang mga bagay na humihila sa'tin para hindi umabante kaya ganoon nalang kabilis ang takbo at pag usad ng mga araw para sa'kin. Ganoon naman diba? Kapag masaya ka ay mabilis ang oras at hindi natin namamalayan ang mga araw kung hindi pa darating ang takipsilim.
Kung hindi pa sisikat ang araw ay hindi pa natin mamamalayan na umaga na. Panibagong araw at pag asa para sa'tin. Panibagong araw para itama ang mali na nagawa ng kahapon. We were given a chance to right our wrongs.
Hindi perpekto ang sa amin ni Rouxe. May mga araw na hindi maiwasang mag away kami, maliit man iyan o malaki, ay naaayos naman bago pa matapos ang araw. He never liked us fighting over something without us talking about it later on. Kahit gaano pa katigas ang ulo ko ay hindi siya tumigil o kahit pumasok manlang sa isip nito na iwan ako. I love how he expertly handle our relationship when a certain time comes where I can't hold it anymore.
May araw na gusto kong bumitiw at napangungunahan ng selos pero nandoon siya para buhatin ang nagpapabigat sa'kin. Na kahit mapagod ako ay nandiyan siya bilang pahingahan ko. Nakakamangha na hindi ito napapagod sa kabila ng lahat. Sa kabila ng hindi maayos na pag iisip ko.
"I will never get tired of you. Never get tired from loving you. Kahit ano pang takbo mo sa problema natin, hindi mo iyon matatakasan. I will always find a way to get to you so don't bother run away from me again." Imbes na magalit sa araw na iyon ay mahinahon ang naging pag uusap namin.
It was a time where jealousy got the best of me. Ang batang puso ay hindi alam kung paano hawakan ang nararamdaman kaya napili nalang na tumakbo sa problema sa kaisipang iyon ang mas mabuting gawin. Mas madali.
"Break up isn't always the best option here, Gaia. Hindi sa lahat ng oras ay iyon ang solusyon. Tuwing may ikagagalit ka nalang ba ay iyon ang palagi mong ihahain sa akin? Hindi mo ba naisip na baka nasasaktan rin ako sa ginagawa mo?"
Ever since then, I've come to my senses that he's right. Naging duwag akong harapin ang problema. Imbes na pag usapan ay mas pinipili kong makipaghiwalay nalang. I was so confident that he will never do the same to me pero paano nga kung umabot na sa puntong umayaw siya?
Hindi ko yata kayang marinig iyon.
Simula noon ay naging bukas ako lahat at hindi nagpadalos dalos sa mga desisyon. Unconsciously, I am molding myself into a better woman. Iwinasto ko ang mga pagkakamali sa relasyon namin. I became more responsible. He thought me to always look at a bigger picture. He let me realized things on my own. Thought me everything I never imagined I'll be doing. He let me see the light. The brighter side of everything.
Walang pagsidlan ang saya ko nang matapos ang taon ng pagiging Senior High ko. I did not just graduate but also topped the class! Masaya kong ipinakita sa magulang ang nakuhang mga medalya. Nangingibabaw ang palakpak nila habang tinatanggap ko ang premyo ng lahat ng pinaghirapan.
"Who would have thought na ang palaging suki sa guidance ay makakagraduate at makakatanggap ng medalya!" Si Farah na tumatawa ng gabing nagyaya si Dad ng dinner sa labas. Hindi na kataka takang meron rin itong natanggap dahil tutok ito sa pag aaral.
Saksi ito sa kabulastugang ginagawa ko dati kaya hindi makapaniwala. Tumawa ang magulang nito habang nangingiti lamang ang parents ko. Kahit naman wala akong nakukuha dati ay proud pa rin sila sa mga naa-achieve ko. Well, minus the part where they were always on the call with the directress of school.
BINABASA MO ANG
DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)
Romance"Like a rubber band, no matter how far you try to take a step away, in the long run, you'll end up with me."