Kabanata 24

353 15 8
                                    

Daylight's End

Before

"Nagbakasakali lang ako na kapag oras na umamin ako ay mabaling ng husto ang atensyon mo sa'kin but seeing how you got confused about your feelings for me that day... tells it all. How you look at him everytime I look at you. It's very different. Iba sa kung paano ka tumingin sa akin. Noong una palang naman ay alam ko ng talo ako. Na hindi na lalagpas pa sa pagkagusto ang meron ka para sa'kin. I'm happy to know that you finally realize everything. That must be my role in your life..." Natatawa nitong ani sa huling mga salita. Nagagawa pa nitong magbiro sa kabila ng lahat.

I wiped my tears and hugged him for the last time. I feel like I am the worst kind of person in this world to hurt someone like him.

How on earth does he manage to smile despite everything I've said? Sa lahat ng mga salitang alam kong masakit para sa kan'ya.

Ang katotohanang ayaw marinig ng nakararami upang hindi lamang makaramdam ng sakit.

Mas lalo akong humanga sa katapangan nito.

Umiling ako upang iparating ang mensahe. For me, he is beyond everything that he think he was.

"Ayos lang naman sa'kin kung magagalit ka. Tatanggapin ko. Gusto kong magalit ka at sabihin sa'kin ang lahat ng hinanakit mo tungkol sa sinabi ko. Tungkol sa lahat. You can't just smile and pretend that everything's fine with you..."

Hindi pa man ako natatapos ay umiiling na ito. Hindi ako naniniwalang wala itong ni katiting na galit na naramdaman.

What is he?

His genuine smile is just so bright that I can't help but return with my weak one.

"Kung magagalit man ako ay wala ring patutunguhan iyon. All I have left to do is accept the fact that we will never going happen. Na mas higit ang sa kan'ya kaysa sa'kin. I just want to let you know that I am genuinely happy for you. For everything that we've shared together. I treasure all of it as much as I treasure your happiness."

Hindi ko alam na pwede ko palang maramdaman ang saya at lungkot sa isang bagsakan lamang. Sa isang tao. Zen is everything a woman couldn't ask for. Hihintayin ko ang araw na ako naman ang magsasabi nu'n.

I couldn't wait for his right woman to come quickly because he deserve all of the things that I, myself couldn't reciprocate.

"He must be thinking the worst right now. Puntahan mo na. Ayos lang ako rito." Bumaling ito sa pinto kung saan ko nakita kanina si Rouxe.

I sighed and nodded. Ngumiti ako sa huling beses bago napagpasyahang sundan ang isa.

Naulingan ko ang boses ng mag asawang Galvez kasama ang magulang ko sa living room. Naimbitahan siguro. Kaya pala nandito rin ang anak nila. Inayos ko ang sarili bago nagpatuloy sa paglalakad. They were so engrossed with their topic na hindi nila napansin ang pagdaan ko maliban sa mala ibon na mata ni Daddy na parang magnet sa presensya ko.

Mabilis lamang sumulyap ang mata nito sa kusina at umangat ang kilay sa'kin bago bumaling sa kausap na ama ni Rouxe na nahuli ko ring sumulyap. Ngumiti lamang ako at mabilis ang lakad palabas ng bahay.

Mabuti nalang at hindi pa nakakalayo ito nang maaninag ko ang malapad na likod na palabas ng gate at nakapamulsa. Wala sa loob ang sasakyan nito nang sumulyap ako kaya tingin ko ay nasa labas lamang.

"Rouxe! Wait!" Habol ko.

He opened his car door at handa ng pumasok nang hawakan ko ang kamay nito. Nagtatakang nakatingin ang guard sa'min sa malayo pero hindi naman nakialam.

He lazily turned his head at me. Nagpamulsa ito at inaantay ang pagbuka ng bibig ko. Umigting ang panga nito at umiwas ng tingin. He brushed his hair back. I smiled.

DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon