Daylight's End
Dream
"We love The Band!"
"Ahh! I just had my orgasm!"
I snapped my head at the girl beside me. Nabulgaran sa sinigaw nito habang lulong sa ginagawang pagtalon. She waved her small banner in the air.
"I love you, Ajax!" Dagdag pa nito.
I feel sweaty all of a sudden dahil sa dami ng tao at palagay ko ay halo halong hininga na ang nalalanghap ko imbes na sariwang hangin.
I snatched my sanitizer in my small bag pack and sprayed my hands and some on the air. Ang kanta ay nagbago mula sa rock patungong slow at tunog makaluma ang dating. Malayo sa mga edad nila. Buo at malamig ang boses ng kumakanta na nagpadagdag ng karisma at kulang nalang ay matunaw ang lahat ng nakikinig sa ganda ng boses nito na talagang nakakadala ng emosyon.
I won't deny their good looks and appeal. Kaya nga halos hindi na ako makahinga sa dami namin at dinumog ng mga babae itong gym. Masyadong marahas tignan at hindi palangiti ang kumakanta tulad ng may hawak ng guitar. Unlike the two, ang nasa drums naman ay umaangat paminsan minsan ang labi sa isang mapanganib na ngisi habang halos mapunit naman ang labi ng isa na nasa piano na todo kindat sa mga manonood. They were oozing with attractiveness. No doubt.
Pero hindi tulad ng mga babae sa loob na halos mangisay na sa kilig ay ngumingiti lang ako at pumapalakpak sa galing nila sa pagkanta. They can make a big bucks out of it kung papasok sila sa music industry at paniguradong pasok sila agad.
Habang tinititigan sila ay naisip ko ang isang tao na magaling rin sa ganito. Really, ano pa bang hindi kaya ng lalaking iyon. Ngumiti ako sa sarili. He used to sing me songs until I fell asleep and it's making me miss him more.
I sighed. Nagpaalam akong babalik nalang sa booth dahil imbes na matuwa ako sa kanta nila ay mas nalulungkot lang. He's everywhere I look at. Kahit saan yata ako ilagay ay nakikita ko ito.
God! I must be crazy!
Hindi yata ako napansin ni Farah at nabibingi sa ingay ng paligid. Dumaan ako sa cafeteria para bumili ng tubig bago nagtungo pabalik.
"Kalahi pala ng mga Galvez ang isa sa kanila. Kaya parang pamilyar ang mukha! He's uh... Aj? Ajax ata ang pangalan niya. Iyong singer. Actually I met them after their performance tapos nakipagselfie. I'll send you a copy later." Daldal nito isang araw nang maimbitahan sa bahay nila.
"Mas maappeal yata ang lahi ng mga Montesford kaysa sa Galvez. Ang gwapo niya." She whispered and grinned sheepishly.
"Nagkakamali ka," I said a matter of fact. Well, pareho naman kung titignan. Kaya nga magkalahi ang dalawa.
Binunggo niya ang balikat ko ng kan'ya.
"Sus! Bias ka lang!"
Bigla ay nangibabaw ang tila nasasaktan na impit ng aso sa malapit kaya napalingon kami sa pinanggalingan ng tunog. My eyes widened in shock when I saw Dreau swatting away Farah's puppy using his feet. Pasimple lang ang ginagawa niya pero napapalakas ang sipa nito paalis. Ang kawawang aso ay pilit na lumalapit sa mesa nito.
"Hey! Bakit mo sinisipa si Cami!" She stormed with heavy feet on his direction. He seems to not be in good shape dahil kung hindi ay kanina pa ito nag iingay at nangunguna sa kalokohan.
He glance at her and knotted his head.
"Get her off my feet. She's annoying me." Inulit niya ang pagtaboy ngunit sa tamad na paraan lamang bago pinagtuunan ng pansin ang pagkain sa harap.
"Anong problema mo! Pati aso dinadamay mo sa init ng ulo mo!" Pinulot niya si Cami sa lupa. Napaatras ito nang tumayo si Dreau at tila hanging nilagpasan habang nagsasalita.
BINABASA MO ANG
DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)
Romance"Like a rubber band, no matter how far you try to take a step away, in the long run, you'll end up with me."