Daylight's End
Talk
"Ayos ka lang talaga?"
Napabalik ako sa katinuan nang marinig ang boses na iyon ni Zen. Umayos ako ng upo at tumikhim upang ibalik ang atensyon sa kan'ya. I didn't realized I was spacing out the whole duration.
Sinulyapan ko muna ang phone sa ibabaw ng mesa bago tumango at ngumiti ng tipid sa kan'ya.
"What were you saying again?" I asked. Ngayon ay nasa kan'ya na ang buong atensyon ko.
I stirred my now cold coffee as I wait for his response. Inangat niya ang ibinigay kong invitation card kani-kanina lang. Mom has already made those without me knowing kaya nagulat nalang ako isang araw nang utusan niya akong ibigay ito ng personal sa mag asawa.
"I don't think my parents would make it dahil isang buwan yata sila sa Hongkong but don't worry I'll still mention this to them." Aniya. Kung ako ang papipiliin ay ayaw ko ng magarbong debut at ayos na ang simple at ang mga espesyal at malapit lang na tao ang pupunta.
But I can't blame my parents dahil alam kong iniisip nilang isang beses lang ito mangyayari sa buong buhay ko kaya bakit nila palalampasin ang pagkakataon upang iparanas ang kaya nilang ibigay sa anak nila. Money is not a problem, as what my mother said. Kaya todo ang paghahanda nito. Knowing her, she likes grand and expensive debut for her only daughter.
Nang makauwi ako ay naabutan ko si Mommy sa living room kasama ang isang sikat na designer na madalas ring gumawa ng mga dress namin ni Mommy tuwing may dadaluhan kaming party.
Excited na tumayo si Mom nang makita ako at sinalubong ang paglapit ko."What happened?" Anito at hindi mawala ang matamis na ngiti sa labi.
"Si Zen ang nakausap ko, Mom. He said his parents were out of the country at baka hindi raw makadalo dahil may inaasikaso raw doon." Kibit ko. I glanced at the magazines and some sketches scattered in the table at ngumiti sa bading na designer nang mahuli ang tingin nito.
"Ganoon ba? Kaya pala hindi sumasagot sa mga tawag ko. They must be really busy. How about Zen? Makakapunta raw ba siya? Did he send you here? Dapat ay pinapasok mo muna nang makausap ko sandali!" Aligaga nitong litanya na ikinatawa ng bading. Sa sobra niyang hands on aakalain ko ng siya ang event organizer at sa sobra niyang excited ay akala mo siya ang magde debut kaysa sa'kin.
"He told me he's coming. At kailangan niyang sunduin ang kapatid kaya hindi na siya pumasok. And Mom, malayo pa po ang debut ko so, please calm down." Natatawa ko na ring ani sa kan'ya.
"Eh, itong si Madam gustong perpekto ang lahat pagdating ng debut mo kaya hindi magkandaugaga. Ikaw rin baka hindi ka na makilala ng asawa mo dahil haggard na ang fes mo..." Nanunuya ang tinig ng bakla na ikinalingon ni Mom sa kan'ya.
We both laughed when she unconsciously touched her face at naupo pabalik sa couch. Sakto namang kapapasok lamang ni Dad na agad nahuli si Mom na mukhang naapektuhan sa sinabi ng baklang designer.
"Hi, Dad." I greeted when he reached my side to kiss my head. Niyakap ko ang bewang nito at mula sa'kin ay lumipat ang seryosong mukha nito kay Mom.
I caught a sight of our audience na naka lipbite habang nakatitig kay Daddy. Nang mahuli ang tingin ko ay kumindat ito na ikinatawa ko.
"Yummy." Ang nabasa ko sa bibig nito na sinabayan niya ng ekspresyong hindi ko maintindihan.
"What with the face, hon?" Narinig ko sambit ni Dad. Marahan niyang inakay si Mom patayo at hinalikan matapos. I grimaced at the sight. Ang parents ko kung maglambingan akala mo mga teenagers.
"Pangit na ba 'ko sa paningin mo?" Madamdaming tanong nito.
Pinipigilan ko lang na matawa habang nakikinig sa bulungan nila.
BINABASA MO ANG
DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)
Romantizm"Like a rubber band, no matter how far you try to take a step away, in the long run, you'll end up with me."