Daylight's End
Hard
"Oh? Ba't gan'yan itsura mo? You didn't enjoy the trip?" My mother asked when she saw me halfway up the stairs.
Nakatingala siya sa akin at may hawak na mug sa kamay. She went to me kaya tumigil ako para antayin siya. Umiling ako at bumuntong hininga.
"I enjoyed it, 'my. Pagod lang po sa biyahe..." I said, a matter of fact.
Tumango siya at hindi na nagtanong pa. She probably sensed my low energy kaya hinayaan niya ako. She kissed my head and we both headed upstairs."Okay, then. Magpahinga ka na kung ganu'n. Matutulog na rin kami ng Daddy mo. Goodnight, sweetie."
"Goodnight, po."
As soon as I closed the door, binitiwan ko ang dalang bag at itinapon ang sarili sa kama. Nang hindi na makahinga ay itinagilid ko ang ulo sa kanan at pumikit.
Kalaunan rin ay naligo ako para maghanda ng matulog. I wore a pair of cotton pajamas from my closet at bumalik sa pagkakahiga.
Kinabukasan, dahil wala akong magiging lakad ay inubos ko ang oras sa pagtulog at nanatili sa kwarto buong araw. Nagpahatid na lamang ako ng pagkain dahil natatamad akong bumaba.
Farah texted me kung pupunta ba ako dahil nandu'n ulit sila sa bahay ng mga Galves. Tumanggi ako at mas pinili nalang na mag isang manood dito sa kwarto. I don't like to be in the same room with any of them. Lalo na ang Ella'ng iyon at si Roux. I hate them both to bits na kapag nakikita ko ang pagmumukha nila ay nadadagdagan lang ang galit ko.
Bagay nga silang dalawa. Parehong masama ang ugali. Tuwing bumabalik sa isip ko ang pagsigaw niya sa'kin na parang ako ang may kasalanan at nagsimula ng away ay nagngitngit ako sa galit. He probably was concerned kay Ella na baka masaktan ng husto ito dahil sa mahigpit kong hawak ang buhok niya kaya kung todo ilayo niya ako ay daig ko pa ang may virus.
I rolled my eyes in the air. Magsama kayo!
Mommy knocked on my door kaya pinause ko muna ang pinapanood. Dahan dahan iyong bumukas hanggang sa iluwa nu'n ang bihis na bihis niyang itsura.
She smiled and looked at the TV screen kung saan nakanganga ang bida na pinapanood ko."May pupuntahan kami ng Daddy mo sa makati. Kung ayaw mo pang bumaba ay tawagin mo nalang si manang para magdala ng pagkain mo, okay?"
Tumango ako nang lumapit siya sa kama at halikan ang ulo ko. I smelled her sweet perfume na palagi niyang gamit. Ngumiti ako sa kan'ya na may gusto pa yatang sabihin.
"Okay. Ingat po kayo ni Daddy, Mommy."
Nasa may pinto na siya nang bumaling at nginitian ako."Roux was here kanina at hinahanap ka pero tulog ka pa. Nang tinanong ko kung bakit ang sabi niya ay nag away daw kayo. Baka gusto mong babain?"
Her tone were a mixture of concern and curiosity. Ang galing rin talaga ng lalaking iyon na humingi ng tulong sa parents ko. He knows he's got the advantage dahil close sila ng parents ko kaya niya sinabi iyon para babain ko siya. Dahil alam niyang pipilitin nila ako na ayusin ang gusot kahit labag iyon sa akin.
Parang mas nanaig ang kagustuhan kong hindi siya babain dahil doon. Aalis rin naman sila Mommy kaya wala siyang magagawa kung ayaw ko. Tumango nalang ako upang matapos na ang usapan.
"Sige, po. Tatapusin ko lang 'to." Palusot ko.
Tumango rin siya at sumang ayon sa gusto ko. This is just for show Mommy.
"Please, don't be so hard on him..."
Pagkalabas ni Mommy sa pinto ay umirap ako. Hindi dahil sa kan'ya kung hindi sa pamilyar at palagi niyang binibitiwang salita tuwing magsusumbong ang lalaking iyon at gustong makipag ayos.
BINABASA MO ANG
DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)
Roman d'amour"Like a rubber band, no matter how far you try to take a step away, in the long run, you'll end up with me."