Kabanata 25

379 14 11
                                    

Daylight's End

Lumobo

"Sila nga iyon! Hindi ako nagkakamali! Grabe!"

"Pa'no hindi papatulan kung ganu'n kagwapo ang makakasama mo sa isang lugar! Sa isang tago pa!"

"Iyan ba 'yung Vera? Nabalitaan ko na palagi daw iyan laman ng away ng mga lalaki dito noon."

"Paniguradong bagong target iyong nakita mo. Lalo na't kaklase pa pala..."

Hindi pa nga sumasayad ang pwet ko sa upuan ay iyon na ang nasagap ng tenga ko. Pabagsak kong binitiwan ang dalang bag sa upuan na nagpatalon sa kanila sa gulat na nagpatikom sa walang kwenta nilang tsismis.

Umirap ako sa hangin at sinulyapan ang grupo ng mga Seniors na kakaiwas pa lamang ng tingin sa'kin at bubulong bulong na parang mga bubuyog.

These bitches are spreading rumors again. At may mga tanga namang naniniwala sa kanila kahit na wala namang katotohanan lahat ng pinagkakalat nila. Lahat nalang ng nakikita may ibig sabihin.

They're just a bunch of  cheap stupid idiots to believe something like that so easily.

Kung hindi ko lang naaninag ang bulto ng nakangising si Wallace ay kanina ko pa pinatulan ang mga ito. Marami itong hawak na supot ng kung ano ano at ng ibagsak niya lahat ng iyon sa mesa ay nagtataka ko itong tinignan.

"Sa'n iyan galing? Balak mo bang itinda iyan sa mga kaklase natin?"

Hindi pa kami nakaka order ng pagkain pero dahil may dala itong iba't ibang klase ng matatamis ay iyon muna ang inuna ko.

Ngumisi siya at tinuro ang pinto kung saan ito galing. Sakto namang kakapasok lang din ng isang lalaki na matangkad ngunit hindi ko naman kilala kaya umiwas rin ako.

"Sa kan'ya 'to. Nahihiya daw siya lumapit kaya ako na ang tumanggap." Tinuro niya ang maliit na paperbag na may lamang mamahaling chocolates na nabili ko na rin nu'ng nangibang bansa kami.

Masarap iyon at kumakalat ang tamis sa bibig tsaka may almonds kaya masarap kainin. Iyon ang kinuha ko at binalatan.

"Ito naman nakita ko lang sa locker mo. Sinilip ko ang loob kanina marami ka pa palang tinatago roon! Kunin natin mamaya mukhang masasarap ang mga iyon!" Pinalo niya ang kamay ko kaya sinamaan ko ito ng tingin. Pinagtatabi niya ang iba sa bag at binigyan lamang ako ng ilang piraso.

Hindi naman sa madamot ako pero hindi naman para sa kan'ya iyan! Simula ng dumikit ito sa'kin ay siya ang tumatanggap ng kung ano ano galing sa kung sinong sinasabi niya. At ngayon na nalaman niyang marami pa akong nakatambak sa locker ko ay iyon naman ang pupuntiryahin niya.

"Nakasagap ako ng balita kanina. May kumakalat raw na tsismis na nahuli kang may kasamang lalaki sa CR. Iyong boyfriend mo ba iyon? Ano. Hindi ka na nakatiis at hinubaran mo na--"

"Ikaw ang tinutukoy nilang lalaki." Putol ko at umirap.

Nagimbal naman ito at madramang binitiwan ang hawak na tinidor na gumawa ng ingay sa mesa namin. Nginuso ko ang mga tsismosa malapit sa table namin.

"I told you. They're dating now. Libre niyo 'ko mamaya. Panalo ako sa pustahan!" Ang pangit na nilalang na ito ay pinerahan pa kami. Agad rin naman silang pasimpleng umalis nang mapansin ang tingin namin sa kanila.

Ano. Pumunta lang sila sa cafeteria para pagpustahan ang gawa gawa nilang kwento.

"A-Ako? What? Iww!" Nag arte itong nasusuka na hindi ko pinansin. Naasiwa rin sa mga narinig na kwento ng marami.

I'm certain he's the one they're talking about. Siya lang naman ang naabutan ko sa restroom nu'ng araw na iyon.

Hanggang sa pagbalik namin sa classroom ay hindi pa ito makamove on at bumubulong bulong sa tabi ko. My classmates couldn't hide their knowing look at us at batid kong nakarating na rin iyon sa kanila.

DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon