Kabanata 26

361 12 4
                                    

Daylight's End

Miss

"I think he caught us."

Kabado kong sambit nang pinapasok kami sa loob ng bahay para rito na rin mag dinner si Rouxe. Nag usap lang sila sandali sa labas kanina at inaya na siya ni Daddy.

Nasa harap namin ito at minamanduhan ang katulong. Hindi pa nakabihis sa suot na pangtrabahong damit. Ang coat ay nakasabit sa braso nito at matikas ang likod. Sakto naman ang pagbaba ni Mommy na nakaternong pambahay na damit at sinalubong ito ng halik. Umiwas ako ng tingin at hinarap ang kausap.

"Hindi naman kita tatakbuhan kung iyon ang inaalala mo. I'll take responsible. Baka nga ikaw pa ang tumakbo sa'ting dalawa." Nakaangat ang kilay nito sa'kin.

Natatawa ko itong tinignan. Sa'n na ba napunta ang imagination nito. Ang sabi ko lang naman ay baka nakita ni Daddy ang ginagawa namin sa loob ng sasakyan nito.

Sa susunod ay babawas bawasan ko na ang pagiging malikot ng mga kamay. The last time I touched something, his perfectly sculpted abs specifically, halos mahulog na kami sa ibang bagay. Sometimes, it's just so hard to resist him lalo na kung malapit ito. He's a living temptation I can't ignore.

Biglang pumasok sa isip ko ang banta nito kanina. I wasn't even seducing him, sa katunayan nga ay ako ang naakit sa labi nito. Hinihila akong tikman ulit iyon. I didn't know I have that effect on him. Parang na-excite tuloy akong gawin iyon ng malaman kung paano niya palolobohin ang tiyan ko.

What! I'm too young to carry his child! Ano. Habang nag aaral ay nagb-breastfeed rin ako sa bata!

Mind you, I don't have the latter! So how am I going to feed my child!

Hindi pa talaga ako handa. Baka pag malaki na ito ay pwede na.

Hindi ko nasundan ang gabi dahil sa pinag iisip. Sila lang naman ang nag uusap sa hapag at kung hindi tungkol sa business ay napapasali ako tuwing natatanong. But most of the time ay bumabalik sa mga makamundong bagay ang isip ko.

"Tingin mo hindi bagay sa'kin ang magbuntis? Kasi 'di ba lalaki ang tiyan ko tapos masasayang lang ang pinaghirapan ko sa gym. I've spent a lot of effort to maintain my flat stomach tapos papalobohin mo lang." I blurted out of nowhere. Lulong pa sa mga umiikot sa ulo ko.

Nang marealize ang sinabi ay namilog ang mata ko. Natigil rin ito at hindi na naitago ang tuwa sa mukha at kumawalang ngisi sa labi.

"Oh, I see. That's why you're unusually very silent. But isn't it too early to put babies on your stomach? Nag aaral ka pa. Ikaw lang naman ang inaalala ko. Until then, you can still enjoy going to gym whenever you feel like it." Kumibit ito. His playfulness is the evidence that I made the wrong question!

At ano! Babies?! Ganu'n karami? Atsaka anong ibig niyang sabihin na ako ang inaalala niya? So kung sakali palang tapos na ako sa pag aaral at sinabi kong ready na ako ay gagawin niya?

And why am I so excited about it!

"T-That's not what I meant! It was a hypothetical question only! Sineryoso mo naman! Kung hindi ka nagbanta d'yan na palolobohin mo ang tiyan ko, hindi naman ako mag iisip ng ganu'n!" Namumula kong balik sa kan'ya. Sumabog ang tawa nito na ikinapula ko lalo.

"Saan na ba tayo nakarating d'yan sa isip mo, hm? If only I can peek through that stubborn head of yours ng makita ko ang ginagawa natin d'ya--"

"I was not thinking of you doing magic to me! Ang bastos mo naman mag isip, dinadamay mo pa ako!" I pushed his chest with all my strength nang magtangka itong lumapit. His laugh roared around the place and this time napalingon na sa amin ang guard kahit na malayo ito sa'min. Ganu'n kalakas ang tawa niya.

DAYLIGHT'S END (Galvez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon